• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-eskwela’t sports ng MILO Philippines

PANDEMYA ang sanhi sa naantalang pisikal na mga klase at kanselasyon ng mga aktibidad sa sports sa bansa.

 

 

Kaya lahat ng mga estudyante nananatili na lang sa kanilang mga tahanan at gumugol nang mahabang oras sa mga laptop at mobile phone.

 

 

Nagbalik na ang milyong mga mag-aaral sa mga klaseng magkakaharap, tinularan ng MILO® Philippines ang ibang stakeholders upang maingat ang kaalamang pisikal ng mga kabataan sa pagpapabatid sa kanila nang kabutihan ng sports.

 

 

Hinihimok silang mas maging aktibo kaya binuo ang programang Back to School, Back to Sports ng MILO® Philippines sa mga pakikipagtulungan ng local government offices, Department of Education (DepEd), civil society organizations at sports teams.

 

 

Pasasayahin at siglahin ang mga bata sa bawat barangay para masangkot sa basketball, football, karate at running na pangungunahan ng  MILO® Champions at local athletes sa bawat rehiyon.

 

 

Sa bawat linggong pag-iikot, daan-daang mga tsiking ang tinuturuan ng tamang drill, galaw at porma para maranasan ang gara ng sports.

 

 

“We are a nation of Champions, and through these development programs, we hope to get more kids into sports by making them experience fun being into sports with their peers.  It starts here, and hopefully we can discover, hone and support our next generation Champions from these barangays,” lahad nitong isang araw ni MILO Sports head Carlo Sampan.

 

 

“It is an honor to partner with MILO® Philippines in introducing sports to kids during this back to school season, because we believe that these initiatives also teach them values such as respect, discipline and teamwork,” fugtong naman ni Philippine Taekwondo Association secretary general Rocky Samson.

 

 

Sumama sa sports demonstrations ang MILO Champions sa onsite at virtual at buong tapang ibinahagi ang kanilang mga istorya ng pagtitiyaga upang maging mga matagumpay sa kanilang buhay.

 

 

Sila ay sina karate champion at star scholar Jamie Christine Lim at award-winning taekwondo jin John Paul Lizardo, na ang mga kuwento’y nagpainspirasyon sa mga ina at kabataan. Andun din si running coach Rio Dela Cruz.

 

 

“Masaya ako at nakasama kami sa Back To School, Back To Sports Program ng MILO, kasi nag-enjoy ang anak ko sa sports, lalo na sa taekwondo at soccer, gusto na nga raw niya laging maglaro kasama mga classmate niya,” lahad ni Ressian Del Mundo ng Batangas, ina ng siyam na taong si Cris James.

 

 

Kasama rin sa proyekto ang libreng nutrition training sa mga nanay sa pagtuturo sa kanila sa pagbabasa ng label sa bawat isang produkto, kailangang nutrisyong maibigay nila sa bawat bata kada araw depende sa edad at arawang ginagawa, at paghahanda sa nutrisyong almusal na kailangan ng mga bata sa buong araw.

 

 

Samahan ang libo-libong mga nanay sa kampeon ng buhay. Makibahagi sa MILO Champions’ Club sa pagbisita lang sa website o mga social media page ng MILO® Philippines. (REC)

Other News
  • NORA, kinilala ng ‘Komisyon sa Wikang Filipino’ ang kontribusyon sa mga pelikulang Pinoy

    PATULOY sa pagtanggap ng awards ang ating mahal na Superstar na si Ms. Nora Aunor.     Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kontribusyon ni Nora Aunor sa mga pelikulang Pinoy at pinarangalan ito bilang Kampeon ng Wika para sa taong 2021 ngayong Martes.     “Masaya po akong tinatanggap ang karangalang ito […]

  • PBBM, desididong mamuhunan para sa pagpapaganda ng transport system sa bansa

    DESIDIDO  si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na  ituloy ang  pagpapaganda ng transport system ng Pilipinas.     Sa Metro Manila Subway Project Launching Ng Tunnel Boring Machine sa Valenzuela City, siniguro ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang gobyerno  para mag- invest sa ikagaganda ng sistema ng transportasyon ng bansa.     Mas marami aniya […]

  • Pinas, nakatanggap ng P48.7-M Aussie aid para sa Covid-19 response

    NAKATANGGAP ang Pilipinas, araw ng Biyernes ng P48.7 milyong halaga ng cold chain equipment at iba pang tulong mula sa Australian government, sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (Unicef) Philippines.     Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang Australian government ay “long-time ally” ng Pilipinas at nagbigay ng […]