BALIK NG PBA MAY HATID NA BUTI
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA si House Deputy Speaker at NorthPort owner Michael ‘Mikee’ Romero na ang pagbibigay ng pahintulot para sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Oktubre 11, ang mahusay na libangan na maibibigay ng gobyerno sa publiko ngayong may Covid-19 pa rin.
Sa kasalukuyan halos lahat sa panig ng mundo nakikipaglaban aniya sa pandemya mula sa aspetong kaisipan at pinansiyal. Kaya hinihikayat ng kongresista ang Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang PBA para sa pagpapatuloy ng ika-45 edisyon via NBA-style bubble concept sa Clark, Angeles City, Pampanga.
“The resumption of the PBA will help the Pilipinos cope with depression and Covid. I am certain it will provide relief,” sambit ng mambabatas. “We need to relax a bit after months of anguish,” pahayag kamakalawa ng opisyal ng lehislatura.
Alam man ang kinalalagyang na mabigat na gawain ng pamahalaan upang mapahupa ang pandemic, tiwala rin si Rep. Romero, lumaro para national polo team sa 2019 SEA Games, sa mga namumuno sa professional hoops league na sinusuportahan din ng may ari ng koponan. (REC)
-
PSC Comm. Ramon Fernandez, chef de mission sa 2021 SEA Games
Pormal na inanunsyo ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkakatalaga kay PSC Commissioner Ramon Fernandez bilang Team Philippines’ Chef de Mission para sa 2021 Southeast Asian Games. Una nang sinabi sa Bombo Radyo ni Fernandez na handa siyang alalayan ang mga manlalaro, para mapapanatili ng Pilipinas ang hawak na mga titulo. Pormal […]
-
P11 milyong idodonate ng Valenzuela LGU sa mga biktima ni ‘Kristine’ sa Bicol Region
Nakatakdang magpadala ng P11 milyon tulong ang Valenzuela City government sa mga sinalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol Region partikular sa mga apektadong lungsod at munisipalidad ng Albay, Camarines Sur at Camarines Norte. Batay sa ulat, may limang bayan sa Camarines Sur ang napuruhan ng husto ng kalamidad kung saan 106,124 pamilya o […]
-
All-Filipino lineup handang iparada ng Gilas
Handa ang Gilas Pilipinas na isabak ang all-Filipino lineup nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers sakaling hindi umabot ang naturalization ni Ivorian Angelo Kouame. Ilang araw na lamang ang nalalabi bago tumulak patungong Manama, Bahrain ang Gilas Pilipinas. Subalit nananatiling optimistiko ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makukuha ni Kouame ang naturalization […]