Balik-serye na sa 1st quarter ng 2023: JENNYLYN, nag-post uli ng photo ni Baby DYLAN na pinusuan ng mga netizens
- Published on December 1, 2022
- by @peoplesbalita

Kung matatatandaan ay natengga ang teleserye nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat dahil biglang nabuntis si Jen.
Sey naman ni Jen na babalikan niya ang nabitin na teleserye nila ni Xian kaya nagbabalik-alindog ito ngayon sa pamamagitan ng Pilates. Gusto ng misis ni Dennis Trillo na maging physically fit ito bago mulin sumabak sa taping.
Hindi naman nabakante si Xian dahil kasalukuyang nagte-taping siya ng second teleserye niya sa GMA na Hearts On Ice with Ashley Ortega. Una siyang napanood sa primetime teleserye ng GMA na False Positive with Glazia de Castro.
Kelan lang ay nag-post si Jen ng photo nila ni Baby Dylan habang nasa may swimming pool sila. Simula noong una nilang nilabas ang photo ng kanilang baby girl noong nakaraang Halloween, maraming netizen ang nag-aabang na sa mga ilalabas pang photos ni Baby Dylan.
Pinusuan ng maraming netizens ang cute na swimsuit ni Dylan with matching orange hat at sunglasses. Nilagyan ito ng caption ni Jen ng: “Happy 7 months strong, my little mermaid! #dylanjaydeho”
Ang bilis naman ng panahon dahil pitong buwan na si Baby Dylan at limang buwan na lang at mag-celebrate na ito ng first birthday sa April 2023.
-
Mga Pinoy na naipit sa Israel-Hamas conflict inilikas na
Inilikas na ang mga Pilipinong naipit sa mga lugar na naapektuhan ng sagupaan sa pagitan ng Israeli security forces at Hamas terrorists sa Gaza Strip. Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Vice Chair Hans Leo Cacdac, naghanda na ng mga hakbang ang mga opisyal ng embahada sa posibleng mangyari upang mailayo ang […]
-
James Wan’s ‘Malignant’ First Trailer Reveals A Terrifying New Horror Movie
FROM the mind behind the ‘Conjuring’ universe comes this new terrifying horror movie, Malignant. The first trailer is here, from the director who brought you “Saw,” “Insidious,” and “The Conjuring” and watch below:https://www.youtube.com/watch?v=nnr8w5lRhC4&t=146s Malignant is the latest creation from “Conjuring” universe architect James Wan (“Aquaman,” “Furious 7”). The film marks director […]
-
Bilang kinatawan ng mga taong may dwarfism: JO, ingat na ingat sa mga role na tinatanggap
INIINGATAN ni Jo Berry ang mga role na kanyang natatanggap ngayong itinuturing na niya ang sarili bilang kinatawan ng mga people with dwarfism. “Kada role, iniingatan ko and sini-see to it ko na magagampanan ko nang maayos and mapapangalagaan ko. Especially ‘yung mga tao na may dwarfism, kini-claim ko nang ako ang representation […]