• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-tanaw sa 18th Asian Games 2018

NAKOBERAN po ng inyong lingkod ang 18th Asian Games sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia noong Agosto 18-Setyembre 2, 2018.

 

Dalawa lang kami ni kasamang Manolo ‘Bong’ Pedralvez ng Malaya Business Insight na na-aasigned sa Palembang. Ang mga kasama namin sa Philippine media pool na sina Lorenzo Lomibao, Jr. ng Business Mirror, Rierra Mallari ng Manila Standard, Randy Caluag ng Ripples Daily, Angelito Oredo ng Bandera, Peter Paul Patrick Lucas ng Sports Radio at freelance photographer Noilon Reyes, mga nadestino lahat sa main hub sa Jakarta.

 

Sa may 16 na araw ko sa nasabing lungsod ng South Sumatra Province, nakoberan ko ang gold medal performance ni Margielyn Arda Diday sa women’s street skateboarding.

 

Gayundin ang mga pagpasok sa finals ng ating mga paddler sa traditonal boat race at canoe, at muntikanang pagsampa sa bronze matches ng ating sepak takraw team, soft tennis squad, at mga pagkabigo ng tenpin bowling, lawn tennis, at shooting.

 

Madalas akong nakakakita ng mga atletang mga malulungkot at ang iba mga umiiyak sa sandaling sila’y matalo sa mga bawat laban nila sa iba’t ibang playing venue.

 

Masisilayan mo ang lalim at lawak ng kanilang pagka-patriotic o pagmamahal sa kanilang bansa sa paraang iyon. Matagal silang humahagulgol at nalulungkot talaga sa aking obserbasyon ang maraming mga nanatalong manlalaro sa kanilang laban.

 

Sa ating mga Pinoy, iyon ang kulang.

 

Kasi pagkatapos na pagkatapos ng bawat laban kapag talo, parang normal lang ang lahat sa ating mga atleta. Wala akong nakitang umiyak sa ating mga manlalaro o atleta sa 2018 Asiad. At madali rin silang makabalik sa normal na sitwasyon tapos matalo.

 

Isa pang nasilip ko ay ang sobrang palakaibigan ng ating mga athlete sa kapwa nila mga oposisyong player.

 

Sana lang magawan ng paraan ito nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino.

 

Masasabi ba nating kababawan , hindi naman siguro lahat, ang pagmamahal nila sa ating inang bayan kung ihahambing sa ilang kapwa nila players.

Other News
  • IRR ng vintage vehicle law nilagdaan

    NILAGDAAN kamakailan lamang ni Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Jose Arturo Tugade ang implementing rules and regulations o ang IRR ng Republic Act 11698 o ang mas kilalang Vintage Vehicle Regulation Act.     Noong nakaraang April pa naging effective ang nasabing batas na naglalayon na maprotektahan at maitaguyod ang vehicle heritage ng bansa […]

  • Kamukha niya at nagmana sa singing voice: SHARON, may touching birthday message kay MIEL na nag-introduce sa K-Pop world

    NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ng series of photos last week, kasama ng kanyang birthday message para ang bunsong anak na babae na si Miel Pangilinan.   Caption niya, “Happy 18th Birthday to my youngest baby girl, my third princess, Mariel Daniella Sophia. Miel, you look like me, even sound like […]

  • Pinakamababang reproduction number sa NCR, naitala

    Nakapagtala na ang National Capital Region (NCR) ng 0.55 reproduction number na siyang pinakamababa mula noong Mayo, ayon sa OCTA Research Group kahapon.     Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na noong Mayo 18, nakapagtala ang rehiyon ng 0.58 reproduction number saka nagtuluy-tuloy sa pagtaas.     Ang reproduction number ay ang bilang […]