• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-TNT ni Erram, nabitin

NASA balag pa ng alanganin ang balik ni John Paul ‘Poy’ Erram sa Talk ‘N Text para sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020.

 

Hanggang kahapon (Miyerkoles), sinusukat pang mabuti ng PBA ang trade proposal na magbabalik kay Erram sa KaTropa buhat sa North Luzon Expressway via Blackwater.

 

Wala pang lagda si PBA Commissioner Wilfrido Marcial sa swap papers, gayunman may PBA committee na para bumusisi sa mga proposed deal.

 

Kaya kung one-sided, babarahin at isasauli sa teams concerned para rebisahin ang mga dokumento na kailangan ay walang pinapaboran sa mga involved o patas sa mga kinauukulan.

 

Base sa kasunduan, papakawalan muna ng TNT si Marion Magat at future first-round pick sa Elite para sa isa ring future pick.

 

Ipagkakaloob ng Blackwater si Anthony Semerad at dalawang future picks – kasama ang galing TNT – sa Road Warriors para makuha si Erram.

 

Upang makarating sa kanyang destinasyon, ibibigay ng Elite ang Defensive Player of the Year sa KaTrona para kay Eduardo Daquioag, Jr., at isa pang first-rounder.

 

Si Don Trollano ang kursunada ni NLEX coach Joseller ‘Yeng’ Guiao na mabingwit mula Blackwater pero tinabla rin. Naging player kasi ni Guiao sa Rain or Shine si Trollano noon, nalagak nsa TNT bago pinamigay sa Blackwater.

 

Si Erram ang 2013 second-round, 15th overall pick ng TNT, pinulot ng Blackwater sa expansion pool noong 2014.
Pirma na lang ng komisyoner ang inaabangan, dahil may post na ang NLEX sa kanilang Facebook page na pinapasalamatan ang serbisyo ni Erram na napunta sa kanila noong 2018.

 

“We thank Poy for his hard work, sacrifice, and dedication to our organization, and wish him the best as he continues his career in the PBA,” parte nang pinaskil na mensahe. (REC)

Other News
  • Donaire target ang rematch kay Inoue

    Nakatuon na ngayon ang atensiyon ni Filipino WBC Bantamweight World champion Nonito Donaire Jr na makaharap muli si Japanese unified bantamweight champion Naoya Inoue.     Ito ang naging pahayag ng “The Filipino Flash” matapos ang matagumpay na pagdepensa ng kaniyang titulo laban kay Reymart Gaballo.     Pinatumba kasi ni Donaire si Gaballo sa […]

  • Ads January 11, 2020

  • 4 drug suspects timbog sa P210K shabu sa Valenzuela

    APAT na hinihinalang drug personalities ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkakahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]