• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-trono sa Alab: Brownlee, target ang kampeonato

Hangad ni Justin Brownlee sa kanyang pagbabalik sa San Miguel Alab Pilipinas na mabigyan uli ng pinakaaasam na kampeonato sa 10th ASEAN Basketball League (ABL) 2019-2020.

 

Malaking bagay ang do-it-all import sa koponan, na may 10-6 record at pangalawa sa team standings sa eliminations. Isa siya sa instrumento nang maupo sa trono ang PH squad kagaya sa 2017-2018 season ng torneo.

 

“It feels great,” sambit ni Brownlee sa Spin.ph sa practice ng koponan sa Kerry Sports Center. “The guys are very high in spirit. They are in second place right now. They’ve been doing really well.

 

Bagama’t wala na ang karamihan sa mga players noong nakaraang 2017-2018 ABL, positibo naman si Brownlee na mananatili ang kultura ang Alab Pilipinas.

 

“I just want to come in and just whatever help they need, I’ll just try to fill those spots and try to continue what they are doing here and keep winning and try to bring the championship back to the Philippines,” saad niya.
Kagigiya lang ni Brownlee sa Barangay Ginebra San Miguel sa titulo ng 44th Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup 2019-2020 nitong Enero.

 

Nais niyang dagdagan pa ang panalo ng Alab, at kung maaari ay masungkit muli ng team Pilipinas ang kampiyonato.
“Like I said, the team has been doing really well. The only pressure for me is I don’t want to come in and mess anything up. I just want to take whatever momentum they have and just try to come in and help them build it and try to make a run for the championship. Just go out there and play hard,” panapos niyang sambit.

 

Dahil na postpone ang laban ng Alab at Saigon Heat Vietnam sa nakaraang linggo dulot ng coronavirus outbreak, naudlot rin ang pagsabak ni Brownlee sa muling pagsusuot ng Alab jersey.

 

Sa darating na Linggo pa ang balik kampanya niya sa koponan na makakaharap ang Singapore Slingers sa OCBC Arena ng city estate.

Other News
  • Binigyan ng second chance pero walang pagbabago: JENNICA, tuloy ang pag-file para ma-annul ang kasal nila ni ALWYN

    TULOY na ang pag-file ni Jennica Garcia para ma-annul ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Alwyn Uytingco.       Mas makabubuti raw ang annulment para tuluyan na silang maging malaya sa isa’t isa dahil wala na raw talagang balikan na maasahan sa kanilang dalawa.       Binigyan daw ni Jennica […]

  • SEC desidido nang ipasara Rappler Inc.; news outlet aapela

    DESIDIDO ang Securities and Exchange Commission (SEC) na ipatupad ang 2018 decision nito na ipasara ang media company na Rappler Inc., bagay na pumutok ilang araw bago matapos ang termino ni President Rodrigo Duterte.     Kinatigan ng SEC ang nauna nitong utos, eksakto isang linggo matapos ibalitang ipina-block ng gobyerno sa sites ng news […]

  • 4 TSINONG MANDARAGAT, DINAMPOT NG MARITIME GROUP

    INARESTO ng Maritime Group ang apat na Tsinong mandaragat nang mamataan silang bumababa sa kanikang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex.   Kinilalani Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National CapitalRegion Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na si Huang Yongjie, 42; DaiShiwen, 56; Yafeng Zhou, 47; at Tan Riyang, 47, pawang ng Guangdong, […]