• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balikan ang iba pang rebelasyon sa ‘Korina Interviews’: KAREN, nanghinayang sa nasayang na panahon na ‘di nakilala si KORINA

LAST Sunday, October 30, nangyari na ang sinasabing imposibleng ‘one-on-one’ interview na nangyari na sa ‘Korina Interviews’ na pinalabas sa NET25 at sa kanilang YouTube channel last Sunday, na kung saan harap-harapang tinanong ni Korina Sanchez-Roxas si Karen Davila kung bakit nga ba sila pinag-aaway.

 

Sa bandang huli nga ng exclusive interview ni Korina, sinagot ito ni Karen ng, “eh kasi naman, ikaw yun reyna”.

 

Say naman ni Ate Koring, “Teka muna, wag mo munang sagutin, sandali lang, kakain pa tayo ng salad…” at saka sila nag-high five at nagtawanan.

 

Bago umere ang show, pinakikita na nagpi-prepare si Karen ng pomelo salad with cashew nuts and carrots, kahit hindi pinakikita ang mukha. May binake din siyang flourless chocolate cake.

 

At sa pagbalik ng ‘Korina Interviews’, ay sinumulan na nilang kainin ang healthy salad na inaming favorite din ni Ate Koring at may pang-aasar pa ito kay Karen ng, ‘so, kakain na tayo, kung makakain ka?”

 

Para sa maraming taga-industriya, ang one-on-one sa pagitan nina Korina at Karen ay imposible at ‘di nga makapaniwala, na sinagot naman ni Korina, “bakit, ano ba problema n’yo? Saan n’yo ba nakukuha yan at bakit ba ang tingin nyo magkagalit kami ni Karen Davila?”

 

Sagot naman ni Karen, “ang feeling ko, siguro nga, workwise, parang it’s a competitive environment where we used to work. So, parang they always pit people against each other.

 

“Let’s say, after Korina, nandyan si Karen, at napakahirap nu’n for any woman, kasi nga, you feel minsan, either may hinahabol ka or hinahabol ka. You understand.’

 

Napag-usapan na ang dalawa bilang “magkalaban” sa kanilang dating network na ABS-CBN mula noong 90’s. Kaya never pa silang nagkatrabaho sa isang proyekto.

 

Inamin ni Karen na nakaramdam siya ng panghihinayang, “I would have to say this, from the bottom of my heart, ako sa pananaw ko, isa sa mga nasayang na panahon ko sa ABS-CBN is ‘yung hindi kita nakilala noon. I’ll be honest, dahil siguro pareho talagang busy.

 

“But I feel, it was lost oppurtunity, for me, for both of us. I wish, I have gotton to know then. Even as a mentor ha, and the whole experience of getting to know you. We never got to do that.”

 

Nag-agree naman si Korina, dahil sobrang busy nga nila sa work, iba-iba ang schedules nila. Kahit si Bernadette Sembrano at Loren Legarda, ay hindi rin niya maysadong nakakatsikahan, dahil ang palagi niyang nakakasama ay si Ted Failon, dahil sila ang magka-partner.

 

Naloka nga si Korina nang humirit ng tanong si Karen, kung niligawan pa siya ni Ted, na that time daw ay may asawa na, kaya parang wala namang ligawang nangyari.

 

Paglilinaw pa ni Korina, naunahan pa raw ng intriga na since pinalitan siya ni Karen sa ‘TV Patrol’ ay baka nagalit siya, dahil desisyon daw yun management. In-invite pa raw niya si Karen nang tumakbo ang asawa na si Mar Roxas.
Sa middle part ng interview, hindi nga napigilang maluha ni Karen sa pagkukuwento sa kanilang pinagdaanan na mag-asawa pagkakaroon ng ‘special child’ na muntik na palang mamatay sa kanilang harapan noong 2019.

 

At hindi na-experience ni Karen na tawagin ‘mommy’ ni David noong bata pa ito, hanggang sa dumating ang second boy nila na si Lucas, na labis niyang ikinatakot, dahil baka may autism din ay maulit ang pinagdaanan nila kay David.
Buti na lang at normal ito ng pinanganak, dahil meron silang mapag-iiwanan nila ni DJ kay David at magmamahal hanggang dulo.

 

Marami pang rebelasyon si Karen sa buhay niya, kagulat-gulat lalo na yun pinagdaanan niyang depresyon at inaming natakot siya noon kay Korina.

 

Napapanood tuwing Linggo, ika-5 ng hapon ang Korina Interviews sa napapanood sa NET25, at puwedeng balik-balik ang mga episodes sa kanilang YouTube.

 

Dagdag rebelasyon pa ni Ate Koring, “I didn’t know that Karen and I have so many things in our lives in-common. And it really surprised me.”

 

Say pa ng batikang brodkaster, “And if you watch it on my YouTube Channel “Rated Korina”, don’t skip the ads ha!”
Puring-puri naman ng netizens sina Korina at Karen, sa kanilang masaya at mapusong kuwentuhan, sa tanging sa NET25 lang naganap.

 

Wish tuloy ng mga netizens, na magkaroon ng part two, dahil sobrang bitin talaga ang episode na ito.
At dahil na naging matagumpay ang pagtatagpong ito, aabangan naman ang paggi-guest ni Korina sa YT vlog ni Korina.

 

May nagwi-wish din na sana raw sa mga future episodes ay isa si Jessica Soho ang mai-feature ni Ate Koring, na for sure, pag-uusapan din nang husto ang kanilang pagtatapat.

 

Mapapanood nga ang mga nakaraang episode ng Korina Interviews sa kanyang YouTube Channel na “Rated Korina” tuwing Miyerkules, kaya i-a-upload na rin today ang masaya at mapusong interview niya kay Karen Davila.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Sa muling pagsasanib-pwersa nila ni Direk JOEL: SEAN, susubukan nang tumawid sa pagiging dramatic actor

    MULING magsasanib-pwersa sa pelikula sina Sean De Guzman at Direk Joel Lamangan sa social media crime drama movie na may working title na Fall Guy.     Ang Fall Guy ay istorya ay tungkol sa isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay isinulat […]

  • ALA Boxing Promotions, nagsara; mga boxer, napaiyak

    Matapos ang 35 taon na pagpo-produce ng sikat na Pinoy Pride boxing series, tuluyan nang ibinato ng ALA Boxing Promotions ang towel at nagsara dahil sa epekto ng coronavirus pandemic at pagkasara ng ABS-CBN.   Isinara ng ALA ang kanilang promotional outfit maging ang kanilang boxing gym, na lumikha ng sikat na boksingero ng bansa […]

  • MEET CHANG’E, CHIN, AND GOBI IN THE NEWEST ‘OVER THE MOON’ TRAILER!

    OVER the Moon is the newest animated musical film coming to Netflix, and it’s set to launch globally this October 23!   Just a month before it premieres, Netflix drops the second trailer to the film. This time, it gives us a glimpse on our main characters — Fei Fei, Chin, Chang’e, and Gobi — […]