Balitang pabalik na ng ‘Pinas si Tom: CARLA, lumipat na ng management para walang conflict
- Published on August 18, 2023
- by @peoplesbalita
NGAYONG August 2023 ay ipinagdiriwang ni Sen. Bong Revilla Jr. ang ika-50 anibersaryo sa show business, na sa kabila ng napakaraming pelikulang nagawa ay nananatili pa rin ang kakisigan at tila hindi tumatanda.
Bukod sa kanyang anibersaryo ay ipagdiriwang din ni Sen. Bong ang kanyang ika-57 kaarawan sa darating na Septyembre 25 na kahit abala sa kaniyang pagiging Senador ay nagagawa pa rin nitong isingit na gumawa ng sitcom.
Katunayan ay last episode na sa darating na Linggo (Agosto 20) ang nag-hit na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ na napapanood tuwing Linggo sa GMA 7 ganap na alas 7:15 ng gabi.
Ayon kay Sen. Bong abangan daw ang Season 2 na kasalukuyan nang pinaplantsa at dahil sa mataas na ratings ng naturang weekly mini-series ay may mga planong balak na umano itong gawing araw-araw ngunit wala pang kumpirmasyon.
Si Sen. Bong ay unang nagkaroon ng exposure sa pelikula noong siya ay 7 anyos lamang nang isama siya sa pelikulang ‘Tiagong Akyat’ noong 1973 sa ilalim ng Imus Production na pinagbidahan ng kaniyang amang si Ramon Revilla Sr at ang kaparehang si Aurora Salve.
Nagmarka rin ang role ni Sen. Bong noong siya ay 14 anyos lamang sa pelikulang ‘Bianong Bulag’ na pinagbidahan din ng kaniyang ama at ni Charito Solis nang gumanap siya bilang batang Bianong Bulag.
Actually, si Sen. Bong na mahal na mahal ng kanyang mga katrabaho sa pelikula ay hindi nali-late sa shooting o taping na isa sa mahigpit na kabilin-bilinan umano ng kanyang ama upang magtagumpay at magtagal sa showbiz industry.
Ngayong Linggo, abangan ang finale episode ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ at ang FB Live ng 5 pm kunsaan, magkakaroon naman ng gender reveal si Jolo Revilla at 5:30 pm at mamimigay siya ng maraming pa-premyo.
***
WALA na pala si Carla Abellana sa pangangalaga ng management ni Popoy Caritativo na Luminary Talent Management.
Kung matatandaan, bago ikinasal sina Carla at Tom Rodriguez, nagpa-manage na si Carla under Popoy, happened to be Tom’s longtime manager.
Mula sa aming source, posibleng hindi na nag-renew ng kanyang management contract si Carla at lumipat naman ito sa isang talent management na kunsaan, pwede naming sabihin na ang dating sikat na talent din ni Popoy ay contract artist ng naturang agency.
Kung tama ang nakarating sa aming balita, diumano’y malapit na raw kasing bumalik ng bansa si Tom.
So, siguro for Carla, para wala na lang conflict o hindi maging uncomfortable na nasa isang management sila, baka nag-decide na ang huli na lumipat na lang ng ibang manager.
-
Saso magaling, malakas na babalikwas sa 2021
ISANG mas magaling at malakas na Yuka Saso ang babalik para sa 54th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2021. Ipinangako ito ng 19-anyos na bagitong top Philippine pro player kasunod nang pagmintis sa ibabaw ng Player of Year (Mercedes rankings) sa paglulunsad ng kanyang career sa mayamang region’s circuit na natapos nito […]
-
KRIS, pinasalamatan at binati ang ‘special someone’ sa kaaarawan nito; pahulaan kung sino ang tinutukoy sa IG post
PALAISIPAN at pahulaan na naman kung sino ang ‘special someone’ na tinutukoy ni Kris Aquino na IG post niya na kung saan may mensahe na: Thank you for coming into my life… Happy Birthday! May caption ito na, “i thought long and hard whether to upload this, because i know what kind of […]
-
Barangay health workers gagawing kawani ng gobyerno
Magiging kawani na ng gobyerno ang mga Barangay Health Workers o BHW’s sa ilalim ng panukala na inihain ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig Congw.Lani Cayetano at mga miyembro ng Back to Service o BTS bloc sa Kamara. Nais nina Cayetano at ng kanyang grupo na masuklian ng sapat na insentibo at […]