Balitang pinaghahandaan na ng GMA ang kanilang serye: JOHN LLOYD, nagbiro na matagal nang naka-stand by para sa project nila ni BEA
- Published on November 21, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATUTUWA si John Lloyd Cruz nang ma-interview siya sa Chika Minute ng ’24 Oras’ na nanawagan sa dating ka-loveteam na si Bea Alonzo.
“Ang tagal ko na pong naka-stand by Miss Bea. Waiting lang po ako, anytime po on your cue,” biro pa ni JLC.
Actually, may nagkuwento sa amin na pareho silang naghihintayan, simula pa nang muling bumalik si JLC sa pag-arte, but it seems daw hindi na hindi magtagpo ang schedules nila.
Medyo kasi na-delay ang pagsisimula noon ng Pinoy adaptation ng ‘Start-Up’ nina Bea at Alden Richards, at may sinimulan namang movie si JLC kay Lav Diaz. Nasundan ito ng pagsisimula ng sitcom niya sa GMA ng ‘Happy To Get Her.’
Nang matapos na ang ‘Start-Up PH’ ni Bea, may ginawa naman siyang international movie at nagkasunud-sunod din ang mga TVC shoots niya. Umalis pa siya for Madrid, Spain, kasama ang family niya para tingnan nila ang nabili niyang apartment doon at nagbakasyon sila ng ilang linggo. Nakakuha na rin ng residency si Bea sa Madrid.
Pero ang balita, malamang magkaroon na ng story conference ang first project nina JLC at Bea sa GMA-7 this December, na susundan na ng taping ng serye. Pero ngayong nasa last five weeks na lamang ang ‘Start-Up PH’, may mga Kapuso Mall shows pa rin sila sa Cebu at sa Davao to meet their fans at magpasalamat sa mga sumubaybay sa first project nila sa Kapuso Network.
***
SI former Manila Mayor at aktor na si Isko Moreno na pala ang gaganap sa role ng yumaong dating Senador na si Ninoy Aquino, sa sequel ng “Maid in Malacanang” na dinirek ni Darryl Yap, at magiging title nito ay “Martyr or Murderer (MoM).”
Ano kaya ang nangyari, bakit napalitan ang gaganap na Ninoy Aquino, na unang napabalita ay si Phillip Salvador daw ang gaganap?
Sa ngayon ay si ex-Mayor Isko pa lamang ang lumulutang na pangalan, but of course, kasama pa rin sina Ruffa Gutierrez as Madam Imelda Marcos at si Cesar Montano as former President Ferdinand E. Marcos.
Maaaring mapalitan na ang mga gumanap na Imee, Bong Bong at Irene Marcos.
Balitang any day now ay magsisimula nang mag-shooting si Direk Darryl ng ‘MoM’ na ipalalabas daw sa February, 2023, in time sa celebration ng anniversary ng EDSA Revolution.
(NORA V. CALDERON)
-
Top 5 at 7 most wanted person ng NPD, nabitag sa Caloocan at Valenzuela
LAGLAG sa kamay ng mga awtoridad ang Top 5 at 7 Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) matapos malambat sa magkahiwalay na manhunt operations Caloocan at Valenzuela Cities. Ipinag-utos ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang pagpapaigting sa pagtugis kay alyas “Boy Manyak” upang mabigyang katarungan ang sinapit ng dalagitang […]
-
Naging emosyonal nang balikan ang hinarap na pagsubok… NADINE, nahirapang magbuntis at muntik pang malaglag ang ikatlong anak
EMOSYONAL na binalikan ni Nadine Samonte ang mga hinarap niyang pagsubok bilang isang ina, kabilang noong sabihan siya ng doktor na hindi siya puwedeng magkaanak. At nang mabuntis, kamuntikan pang malaglag ang isa niyang anak. “Kasi sinabihan ako ng doctor na I can’t have kids noong 2013, 2014 hanggang 2015 na […]
-
Nakapaninibago at aminadong may konting takot: PAULO, malungkot na masaya sa premiere ng movie nila ni JANINE
PAREHONG batikang director ang may hawak ng Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Start Up na sina Direk Dominic Zapata at Direk Jerry Sineneng. Dito pa lang, alam mo na espesyal ang Start-Up para bigyan ng dalawang mabibigat na director. Ayon kay Direk Jerry, “perfect casting” daw ito. Mula kina […]