Ban sa marijuana alisin, parang kape lang – Durant
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
KUNG si Brooklyn Nets star Kevin Durant ang tatanungin, ang paghithit ng marijuana ay kaparehas lang ng pag-inom ng kape.
Kaya naman dapat aniya ay tanggalin na ito sa banned substance list ng NBA, dahil hindi naman umano ito nakakasama sa kahit sino.
“Everybody on my team drinks coffee every day. Taking caffeine every day. Or guys go out to have wine after games or have a little drink here and there. Marijuana should be in that tone,” ayon kay Durant sa panayam sa kanya sa ‘All The Smoke’ sa Showtime.
Aniya pa, kung hindi trip ng iba ang marijuana ay huwag nila itong gamitin, at giniit na nakabubuti umano ito sa katawan kaya’t marapat lang na gawing ligal.
“It’s just like, marijuana is marijuana. It’s not harmful to anybody. It can only help and enhance and do good things. I feel like it shouldn’t even be a huge topic around it anymore,” aniya pa. “Why are we even talking about? It shouldn’t even be a conversation now. So hopefully we can get past that and the stigma around it and know that it does nothing but make people have a good time, make people hungry, bring people together — that plant brings us all together.”
Noong Nobyembre nang nakaraang taon ay nakipag-partner si Durant sa Canopy Rivers – isang firm na tumatangkilik sa cannabis o marijuana.
-
Pagpapalabas ng 92 milyong nat’l IDs sa taong 2023 itinutulak
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Statistics Authority ang pagpapalabas ng 30 milyong national IDs bago matapos ang taong 2022. Gusto rin ni PBBM na maabot ang “target goal” na 92 milyon sa kalagitnaan ng susunod na taon. Tinukoy ng Pangulo ang mahalagang gampanin ng digital transformation. […]
-
500 pang traditional jeepneys sa 4 na ruta sa NCR makakabiyahe na sa Oct. 30 – LTFRB
DAGDAG pang mahigit 500 mga traditional jeepneys sa apat na ruta sa Metro Manila ang pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa Biyernes, Oktubre 30. Batay sa Memorandum Circular (MC) 2020-064 nasa 507 na mga traditional public utility jeepneys (TPUJ) routes ang papasada sa mga susunod na ruta: […]
-
PSC problemado sa P1.6B unliquidated ng mga NSA
SULIRANIN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lumolobong unliquidated accounts hindi lang mula sa mga national sports association (NSA) kundi sa mga pribadong ahensiya na inayudahan. Base sa listahan ng PSC Audit Miyerkoles, nasa P1,678,760,323.02 ang mga unliquidated account sapul pa noong Disyembre 31, 2020. Nasa tuktok ng listahan ang nangasiwa […]