Mga fans, netizen hati ang kuro-kuro sa pag-swap kay Christian Jaymar
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAGING hati ang opinyon ng mga panatiko at netizen ang inaapruhang trade kay CJ Perez na buhat sa San Miguel Beer patungong Terrafirma nitong Pebrero 2.
Masaya ang ilang tagasunod sa pagkakabingwit ng Beermen sa 2019 first round, top pick overall, 2019 Rookie of the Year at two-time scoring leader para sa kanilang koponan.
“A trade like that happens only when the other team wants to win while the other dont. Don’t be too hard on SMB.. blame it on Terrafirma,” komento ng isang netizen sa Facebook Miyerkoles.
Dagdag ng isa sa Twitter, “Welcome to San Miguel, CJ Perez! This team is lock and loaded from top to bottom with two MVP caliber players leading the charge. Now that everyone is coming back healthy, it is time to reclaim the Philippine Cup title along with JMF and the gang.”
Pero may ilan din ang mga umaangal at nagpahayag ng kanilang mga saloobin sa social media rin.
“Hindi n tama ito, kung lahat ng potential player kukuhanin nila paano magkakaroon ng balanseng team sa PBA,” wika ng fan.
Panapos na hirit ng isa ring netizen: “Pano kayo mag-cha-champion sa PBA niyan kung pinamimigay ninyo lang star player ninyo!” (REC)
-
410,000 nawalang trabaho sa bansa nabawi nitong Mayo sa gitna ng pandemya
Dumami ang bahagdan ng populasyon na nabawi ang nawala nilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic nitong Mayo, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Statistics Authority. Nasa 3.73 milyong katao kasi ang naitalang walang trabaho o negosyo nitong Mayo 2021, bagay na mas mababa sa 4.14 milyon noong Abril. “Ang unemployment […]
-
MAYOR TIANGCO NABAKUNAHAN NA NG 2ND DOSE
NAKUMPLETO na ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang kanyang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) inoculation kasunod ng kanyang ikalawang dose ng CoronaVac, noong Lunes sa San Jose Academy. “Fully vaccinated na po tayo matapos makuha ang ikalawang dose ng CoronaVac. 28 days ang hinintay bago makumpleto ang dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19. […]
-
Ads March 18, 2021