• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bangka tumaob: 26 patay, 40 nasagip

NASA 26 katao ang nasawi makaraang tumaob ang isang pampasaherong bangka sa Laguna de Bay malapit sa Talim Island sa Binangonan, Rizal nitong Huwebes ng hapon.

 

 

Sa inisyal na impormasyon ng Philippine Coast Guard Sub-Station Binangonan, dakong ala-1 ng hapon nang tumaob ang MBCA Princess Aya, may 30 yarda ang layo sa Talim Island sa Barangay Kalinawan sa bayan ng Binangonan.

 

 

Hinampas umano ng unos o malakas na hangin at buhos ng ulan ang bangka dahilan para mag-panic ang mga pasaherong sakay nito at nagpuntahan sa kaliwang bahagi ng bangka sanhi para maputol ang katig nito at tumaob.

 

 

“They went to the port side of the motorbanca, causing it to capsize,” ayon sa PCG.

 

 

Nasa 26 bangkay ang unang narekober habang 6 pa ang nawawala. Apatnapu naman ang nasagip at mayroong pang nawawala.

 

 

Sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, nakatutok sila ngayon sa retrieval operation at inaasahan na madaragdagan pa ang bilang ng mga narerekober na katawan.

 

 

Isa sa tinitingnan na sanhi ng paglubog ng bangka ay overloading at ang hindi pagsusuot ng life vest/jacket ng mga pasahero ng bangka. Ayon pa sa lokal na Disaster Risk Reduction and Management Office (DRMMO), nasa 22 lang ang nakalagay sa manipesto ng bangka.

 

 

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) ay Wala na umanong storm signal sa bayan ng Binangonan at hindi na rin kalakasan ang alon kaya pinayagan nang makapag­layag ang mga bangka na tumatawid mula sa Port of Pritil sa bayan ng Bina­ngonan patungo sa Talim Island.  (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa pag-come-out na isa ring kakampink: ANNE, naikumpara ng netizens kay TONI na kilalang BBM supporter

    NAGLABAS na ng statement si Anne Curtis kung ano ang political color o kung sino ang Presidenteng sinusuportahan niya.     Ang daming nag-comment at halos umabot ng 15,000 ang retweet sa simpleng pagre-retweet ni Anne ng kakampink crowd sa Iloilo campaign sortie ni Vice President Leni Robredo.           Ni-retweet lang ni Anne […]

  • HIGIT 1M EDAD 5-11 NABAKUNAHAN NA

    KABUUANG 1,233,017 mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang ang nabakunahan laban sa Covid-19 mula nang magsimula ang Department of Health sa pagbabakuna sa bata noong Pebrero 7.     Sa online media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na 381,433 mga bata sa ilalim ng 5-11 age bracket ay […]

  • Labis na hinangaan sina Justin, Francine at EJ: ‘Nasa Iyo Ang Panalo’ ng Puregold, panalo sa puso ng mga Filipino netizens

    NGAYONG 2022, minarkahan ng Puregold ang kanilang ika-25 na taon bilang isa sa nangunguna sa Philippine retail landscape.      Upang gunitain ang makabuluhang okasyong ito, inilabas ng Puregold ang “Nasa Iyo ang Panalo” digital ad series sa iba’t-ibang social media platforms nito, kung saan nakakuha na ito ngayon ng higit 43.1 milyon online views. […]