Bangkay ng babaeng estudyante natagpuan sa nasunog na Laguna State Polytechnic University
- Published on March 15, 2025
- by Peoples Balita
INAALAM pa kung bangkay ng isang estudyante ang natagpuan sa loob ng comfort room ng Laguna State Polytechnic University makaraang lamunin ng apoy sa Sta Cruz, Laguna Huwebes ng hapon.
Sa ulat, bandang alas-12:50 kamakalawa ng hapon nang nagsimula ang sunog sa College of Arts and Sciences Bldg., sa loob ng Laguna State Polytechnic University sa Brgy Bubukal, Santa Cruz, Laguna.
Ayon kay FO2 Mark Anthony Samia Bureau of Fire Protection (BFP) Santa Cruz, Laguna, bandang alas-3:09 kamakalawa ng hapon nang ideklarang fire-out at nadiskubre ang bangkay ng isang babae sa comfort room na matatagpuan sa ilkalawang palapag ng nasabing gusali.
Inaalam din kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang naging pinsala. (Gene Adsuara)
-
Kailangan lang na maging masaya muna: XIAN, hindi na sinagot ang ibang personal na tanong
NANANATILING Kapamilya si Jameson Blake na nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic ng ABS-CBN. May bago siyang serye pero hindi pa niya puwedeng i-reveal ang mga detalye tungkol dito. Lahad ni Jameson, “It’s still under discussion pa. Pero yun, I’ll be doing a teleserye soon with ABS-CBN. I’m also doing another film. […]
-
Imprastraktura dahil sa Abra quake sumirit na sa P1B
UMABOT na sa mahigit isang bilyon ang halaga ng nasirang imprastraktura dahil sa magnitude 7 na pagyanig sa Abra, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes. Batay sa inilabas na situational report ng ahensya nitong alas-8 ng umaga, 1,470 na ang kabuuang bilang ng nasirang imprastraktura na siyang […]
-
Evaluation ng courtesy resignations, target na hindi aabutin ng 3 buwan –PNP chief
TARGET ng Philipine National Police (PNP) na matapos sa loob ng tatlong buwan ang evaluations at discussions ng five-man advisory group sa mga resignations ng top officials ng organisasyon. Sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nakatakda nilang isapinal ang mga house rules na gagamitin sa pagsusuri at pagtatasa […]