• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bangkay ng dalagita lumutang sa pumping station sa Navotas

NAGTAPUAN ang bangkay ng isang hindi pa kilalang dalagita na lumulutang sa tabi ng isang pumping station sa Navotas City.

 

 

Ayon kay Navotas City Police Chief P/Col. Mario Cortes, wala pa ring mga kaanak na kumikilala sa bangkay na tinatayang nasa edad na 15 hanggang 20-taong gulang, may taas na 5” hanggang 5’2 at nakasuot ng itim na Levi’s t-shirt at checkered na shorts kaya nanawagan sila sa sinumang nakakilala sa biktima.

 

 

Sa ulat, papalaot na sana upang mangisda sina Jonathan Rendon, 31, Nelson Santos, 62, at kapatid na si Jonjon 40, nang makita nila ang nakadapa at lumulutang na katawan ng biktima sa tabi ng pumping station sa Pescador St. Brgy Bangkulasi noong Oktubre 24 ng pasado alas-4 ng hapon kaya ipinabatid nila ito sa Navotas Police Sub-Station 3.

 

 

Mga tauhan naman ng Navotas Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMO) ang nag-ahon sa biktima at bago ilagay sa cadaver bag, sinuri muna ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay at lumabas na wala silang nakitang sugat sa katawan na isang palatandaan na walang nangyaring karahasan.

 

 

Gayunman, nilinaw ni Col. Cortes na hindi pa nila isinasara ang imbestigasyon at kanila itong ipagpapatuloy sa oras na makilala na ang bangkay ng biktima. (Richard Mesa)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 26)

    IKINAGULAT  ni Bernard ang pagsulpot ni Regine sa opisina niya. Subalit naunawaan naman niya ang pakay nito kaya’t sinabi niyang kakausapin niya si Angela tungkol sa nais nitong mangyari. Sa sobrang tuwa ay niyakap ni Regine ang lalaki na nabigla sa pagyakap niya. “Thank you so much Bernard, sabi ko na nga ba hindi mo […]

  • Ads July 24, 2021

  • “No Vaccine, No Work Policy”, hindi ipipilit

    WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No Vaccine, No Work Policy” na una nang inilutang ng ilang mga kumpanya.   Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting nila na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan […]