• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BANGKAY SA BAKANTENG LOTE SA TARLAC, NATUKOY NA

NATUKOY  na  sa pamamagitan ng DNA test  ang natagpuang bangkay  sa  isang bakanteng lote sa  Capas,Tarlac  na si Normandie Pizarro na isang retirado nang  Court  of Appeals Justice .

 

Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) makalipas ang halos dalawang buwan mula nang matagpuan ang bangkay .

 

Ayon kay NBI OIC Director Eric Distor , ang  bangkay na nakita sa Capas, Tarlac noong October 30 ay hindi agad nakilala dahil  tinanggal ang mga daliri bukod pa sa pinutol ang isang kamay nito upang mawala ang kanyang finger print.

 

Nabatid na maliban sa DNA test ay isinailalim din sa iba pang pagsusuri ang bangkay upang masiguro ang kanyang  pagkakilanlan tulad ng dental records nito na nag-match sa nakalap na ebidensya ng forensic team ng NBI.

 

Batay sa inisyal na imbestigasyon,  si Pizarro ay brutal na pinatay  sa Tarlac pitong araw bago ito matagpuang bangkay noong October 30  gayundin ang inabandonang sasakyan nito sa San Simon na may bahid ng dugo. (GENE ADSUARA)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 19) Story by Geraldine Monzon

    NAKAISIP na sana ng paraan si Cecilia upang hindi makaalis sina Bernard at Angela patungong ibang bansa, subalit pinlano pa lang niya ay hinadlangan na siya ng tadhana na magamit si Bela nang dumating si SPO2 Marcelo dala ang hindi magandang balita tungkol sa anak ng mag-asawa. Kaya ganoon na lang ang pagkadismaya ng dalaga. […]

  • Alex, emosyonal na umaming nakunan sa panganay nila ni MIKEE; nasubok ang faith kay Lord at umasa sa miracle

    PAGKALIPAS i-post ng talent manager na si Manay Lolit Solis sa kanyang IG account na nakunan si Alex Gonzaga na naging dahilan para magalang siyang sinabihan ng asawa ng TV host/vlogger na si Mikee Morada na nasaktan sila sa anunsyong ito ni Manay.     Feeling ng talent manager na kaya hindi pa umaamin sina […]

  • ECQ inihirit palawigin

    Inirekomenda ng mga eksperto na palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nakatakdang magtapos sa Abril 4.     Ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau director Dr. Althea De Guzman, kung babawiin ang ECQ matapos ang isang linggong pagpapatupad nito ay kaunti lamang ang ibaba ng bagong kaso ng COVID-19.     Sinabi ni De […]