• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara

Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara patungkol sa mga umano’y kongresista na dawit sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

Giit dito ni Committee on Justice Vice Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, dapat na pangalanan na ngayon ng PACC ang nasa 12 kongresista na sangkot sa katiwalian sa mga infrastructure projects ng DPWH at sampahan na ng kaso ang mga ito.

 

Mahirap aniya na puro tsismis at pasaring lang ang gagawin ng PACC na wala namang pinapangalanan at walang maiharap na ebidensya dahil lalo lamang nagdududa ang publiko sa integridad ng Mababang Kapulungan.

 

Hinamon naman ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor si PACC Commissioner Greco Belgica na sampahan na ng kaso ang 12 kongresistang sabit sa anomalya at kung wala naman palang matibay na ebidensiya ay manahimik na lamang muna ito.

 

Aniya, ito na ang ikalawang pagkakataon na na may ibinatong alegasyon si Belgica laban sa mga kongresista pero tumatanggi namang pangalanan kung sino ang mga mambabatas na ito dahil wala pang matibay na pruweba para kasuhan ang mga ito.

 

Unfair aniya ito sa lahat ng kongresista dahil nababahiran na ang lahat ng mga myembro ng Kamara at buong institusyon sa kabila ng pagsusumikap nilang maitaas ang imahe ng Kongreso.

 

Hindi aniya trabaho ni Belgica na isalang sa “trial by publicity” ang mga mambabatas bagkus ay tungkulin nitong mangalap ng ebidensya at sampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ)  o sa Office of the Ombudsman ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. (ARA ROMERO)

Other News
  • 3 pang phreatomagmatic bursts naitala sa Taal – PHIVOLCS

    TATLO pang phreatomagmatic bursts ang naitala sa Taal Volcano kahapon, ayon sa PHIVOLCS.     Base sa kanilang report na inilabas ngayong umaga, sinabi ng PHIVOLCS na base sa kanilang pagbabantay mula alas-5:00 ng umaga kahapon hanggang kaninang alas-5:00 rin ng umaga, nakapagtala ng phreatomagmatic burst bandang alas-9:30 ng umaga, alas-9:33 ng umaga at alas-9:46 […]

  • Bibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng OFW na si Mary Anne Daynolo

    TUTUPARIN ng pamahalaan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Pinay worker na si Mary Anne Daynolo.   Si Mary Anne Daynolo ay isang OFW na nawawala mula noong March 4, 2020 10:30 PM (Abu Dhabi time) sa kanyang pinagtatrabuhan sa The St. Regis Saadiyat Island Resort, Abu […]

  • HELPER TINARAKAN SA LEEG NG KAPITBAHAY, PATAY

    DEDO ang isang helper matapos saksakin sa leeg ng kapitbahay makaraan ang pagtatalo nang magising ang suspek sa ingay ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.           Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak kanang bahagi ng leeg ang biktimang si Ramil Sola, 38 ng Blk 50 Lot 13 Phase 3 Area 2, Maya-Maya […]