• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BARANGAY ELECTION, PINAGHAHANDAAN PA RIN NG COMELEC

TINITINGNAN ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy ang voters registration sa susunod buwan bilang preparasyon para sa  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 5, 2022.

 

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni  acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang panukala ay   para magsagawa ng voters registration mula July 4 hanggang 30.

 

 

Aniya, ang pagpapatuloy ng voters registration ay “subject to the approval of the Commission en banc.”

 

 

Sinabi ni Laudiangco na nagsimula na ang lahat ng administratibo at operational na paghahanda para sa Disyembre BSKE, sa direksyon ng Commission en banc, kasama si Commissioner Rey Bulay bilang Commissioner-in-Charge

 

 

Kasama sa iba pang aktibidad ang pagbalangkas ng mga implementing resolution, pagkuha ng ballot paper at iba pang supply ng halalan, pagkuha ng mga serbisyo sa pag-imprenta para sa mga opisyal na balota, accountable at non-accountable forms at muling pagbisita/pag-aaral muli ng mga protocol sa kalusugan, kabilang ang pagpapatuloy ng probisyon ng mga hiwalay na lugar ng botohan sa pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

 

 

Ayon sa Comelec ang projected total number ng registered voters para sa barangays elections ay 66,053,357 habang inaasahang ang rehistradong botante para sa SK polls ay  23,059,227.

 

 

“Please note that these are mere projections based on historical data for purposes of planning and procurement for the BSK,” ani Laudiangco . (GENE ADSUARA)

Other News
  • Hawaan ng COVID-19 sa Pinas bumilis

    Pumalo sa 1.41 ang reproduction number ng COVID-19 sa bansa o ang bilis ng hawahan ng virus dulot ng mataas na banta ng Delta variant.     Ayon sa OCTA Research Group, nitong August 12, ang reproduction number ay pu­malo sa 1.41 at umaabot naman sa 1.76 sa Metro Manila.     Noong August 10 […]

  • Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas

    Pahihintulutan na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga edad 65-anyos pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng coronavirus disease pandemic, basta kumpleto na ang kanilang dalawang doses ng bakuna.     Huwebes kasi nang magpulong-pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) patungkol sa isyu.     “Subject ito sa mga kondisyon […]

  • Ads May 30, 2022