Barangay hall sa Navotas, ni-lockdown
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
Pansamantalang isinailalim sa granular lockdown ang barangay hall ng Brgy. San Jose sa Navotas city simula 12am ng March 16, 2021 hanggang 11:59pm ng March 20.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, isinailalim na rin sa RT-PCR swab test ang lahat ng mga opisyal at kawani ng barangay para sa kanilang kaligtasan at sa kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
“Ang pagpapa-swab test sa lahat ng mga opisyal at kawani ng lahat ng mga barangay ay bahagi ng ating pagsisikap na mapigilan ang posibleng pagdami pa ng mga kaso ng COVID-19 sa ating lungsod at ma-proteksyunan ang ating mga barangay workers at mga mamamayan”, pahayag ni Mayor Tiangco.
Hinikayat din ng alkalde ang bawat Navoteño na maging responsable sa kanilang kalusugan at gawin ang makakaya para maiwasang mahawaan ng COVID-19.
Paalala niya na siguruhing nakasuot nang tama ang face mask at face shield, nasusunod ang 1-2 metrong social distancing, naghuhugas o disinfect parati ng mga kamay, at lumalabas lang ng bahay kung kinakailangan..
“Sa pag-iingat po natin sa ating kalusugan, napoprotektahan din natin ang ating kakayahang makapaghanapbuhay”, dagdag niya.
Nitong 6pm ng March 16, 2021, umabot na sa 6,917 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 759 dito ang active cases, 5,949 ang mga gumalin at 209 naman ang nasawi. (Richard Mesa)
-
Higit 25K households tanggal na sa 4Ps
UMABOT na sa 25,904 household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tanggal na sa programa nang makitang kaya na nilang makapamuhay ng maayos para sa pamilya. Ayon sa DSWD, ang nasabing bilang ay base na rin sa datos nitong first quarter ng taong kasalukuyan. […]
-
DepEd hinimok na magpatupad ng 2-week health break para sa mga guro
Hinimok ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd) na tiyaking laging naka-monitor sa kalusugan ng mga guro. Ayon kay Castro, base sa survey na isinagawa ng Alliance of Concerned Teachers -NCR, lumalabas na 55.3 percent ng mga teacher-respondents ang mayroong flu-like symptoms. Nakakaalarma aniya ang dami […]
-
Zubiri, pinuri ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan
PINURI ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan, at sinabing ito ay “napapanahon” upang palakasin ang defense interoperability ng dalawang bansa. Kabilang dito ang naval training ng mga sundalong Pilipino sa paggamit ng mga barko at kagamitan na binili […]