Barangay health workers gagawing kawani ng gobyerno
- Published on September 3, 2021
- by @peoplesbalita
Magiging kawani na ng gobyerno ang mga Barangay Health Workers o BHW’s sa ilalim ng panukala na inihain ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig Congw.Lani Cayetano at mga miyembro ng Back to Service o BTS bloc sa Kamara.
Nais nina Cayetano at ng kanyang grupo na masuklian ng sapat na insentibo at sweldo ang mga Barangay Health Workers kaya hinikayat nila ang mga LGU na kunin ang serbisyo ng mga ito bilang contractual, job orders, casual at bilang mga regular employees mula sa pagiging volunteers.
Ilulunsad din ng panukala ang Special Barangay Health Workers Assistance Program sa ilalim ng Department of Health na naglalayong mabigyan ng technical assistance, training at iba pang uri ng suporta ang mga BHW sa ilang piling LGUs.
Sa ngayon ang mga BHW ay nakakatanggap ng allowance ngunit ito ay daragdagan ng naturang panukalang batas mula sa pondong makukuha ng mga LGU’s kapag ipinatupad ang Mandanas-Garcia ruling ng Korte Suprema. Inaasahang madagdagan ang internal revenue allotment o IRA ng mga LGU’s sa susunod na taon dahil sa Mandanas ruling.
Matagal ng adbokasiya ng mga Cayetano ang kapakanan ng mga BHW. Sa Taguig, lahat ng 819 BHW ay mga casual employees na ng LGU at sumasahod ng mula P7,900 hanggang P11,000 kada buwan.
Samantala, kabilang din ang mga barangay frontliners sa listahan ng mga benepesyaryo na makakatanggap ng 10K ayuda sa ilalim ng panukalang batas na inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong Pebrero 2021. Layon ng 10K ayuda bill na mabigyan ng P10,000 ang bawat pamilyang Pilipino na kasapi ng poorest of the poor na nabiktima ng COVID-19. (Gene Adsuara)
-
NAG-VIRAL NA TRAFFIC ENFORCER, PINARANGALAN
PINARANGALAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nag-viral matapos itong saktan ng isang babaeng motorista. Ang nasabing personnel ay kinilalang si Marcus Anzures na kung matatandaan ay ilang beses sinaktan ng sinita nitong si Pauline Mae Altamirano alyas Maria Hola dahil sa paglabag […]
-
Ads August 2, 2024
-
Go, suportado ang suspensyon ng lisensiya e-sabong
SUPORTADO ni Senador Christopher “Bong” Go ang pansamantalang suspensyon ng lisensiya ng electronic-sabong (cockfighting) operators habang hindi pa nareresolba ang kaso ng 31 nawawalang sabungero. Sa pagdinig sa Senado noong nakaraang linggo ukol sa 31 nawawalang sabungero, nanawagan ang mga senador sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pansamantalang ipatigil ang operasyon […]