• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barangay Kamuning ‘di isasailalim sa lockdown — Mayor Joy

Wala umanong basehan para isailalim sa lockdown ang Brgy. Ka­muning matapos na isang residente dito na galing Dubai ang kaunaunahang na-infect ng UK COVID variant.

 

Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasabay nang pagsasabing hindi na nakarating sa kanyang bahay ang pasyente matapos itong dumating sa bansa dahil agad itong dinala sa isolation facility.

 

“Una sa lahat, Kamuning in fact has the lowest numbers of COVID-positive patients at the moment. Since hindi naman lumapag sa barangay, hindi naman siya umuwi at ‘di pa luma­labas ‘yung resulta ng BHERT (barangay health emergency response teams) na positive sila, although quarantined na sila nga-yon, wala pa tayong sapat na batayan na i-lockdown ‘yung Barangay Kamuning. Hindi na po siya bumaba sa Barangay Kamuning. Siya po ay diniretso sa isolation facility,” pahayag pa ni Belmonte.

 

Kasabay nito binalaan din Mayor Belmonte na mananagot sa ilalim ng anti-discrimination ordinance ang sinumang mapapatunayang nangutya o nagkait ng pantay na karapatan sa isang indi­biduwal dahil lamang sa dito nakatira ang lalaking natukoy na nagtataglay ng bagong variant ng COVID-19.

 

Wala rin anyang dapat ipangamba ang publiko dahil nasa isang maayos na health facility na ang lalaki kasama ng mga taong natukoy na nakasa-lamuha nito.

 

Niliwanag naman ni Mayor Belmonte na is- tri­k­­­tong ipinatutupad ang protocol sa QC kaugnay ng kampanya laban sa pandemic.

 

Nana­nawagan din si Mayor Belmonte kay DILG Secre­tary Eduardo Año na pabalikin sa serbisyo  ang mga contact tracers na naipagkaloob nito sa QC noong nagdaang taon.

 

Magugunitang kamakalawa ay inamin ng DOH na isang lalaki buhat sa Dubai ang dumating sa bansa noong Enero 7 ang nagtataglay ng UK COVID variant. (ARA ROMERO)

Other News
  • DENZEL WASHINGTON AND DIRECTOR ANTOINE FUQUA TEAM UP AGAIN IN “THE EQUALIZER 3”

    DENZEL Washington and director Antoine Fuqua team up for the fifth time in “The Equalizer 3,” which ties Fuqua with the late Tony Scott as Washington’s most frequent director collaborator.     Washington says there are many reasons why he looks forward to reteaming with Fuqua: “His spiritual maturity, his collaboration, his humility, his eye,” […]

  • Perfect timing ang MMFF movie at wish na mag-win: JAKE, ayaw nang mag-elaborate sa mabigat na pinagdaanang pandemya

    AYAW nang mag-elaborate pa ni Jake Cuenca kung bakit parang naging mabigat sa kanya ang pinagdaanang pandemya. Napansin kasi namin kay Jake na oo nga’t halos lahat naman ay naaapektuhan ng pandemya, pero parang nagkaroon talaga ng matinding impact ito sa kanya. Sabi ni Jake, “so many losses. Ang dami… family members, friends, even network […]

  • Ads February 24, 2021