• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BARANGAY NA WALANG COVID CASE NG 2 MONTHS, MAY P100K KAY YORME ISKO

BIBIGYAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng P100,000 insentibo ang barangay na hindi magkakaroon ng COVID19 sa loob ng susunod na 2 buwan.

 

Ayon kay Moreno, ito ay kung mapapanatili nilang COVID19 free ang kani-kanilang barangay mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 31,2020.

 

Sinabi ni Moreno na naglaan sila ng P89.6 milyong budget para dito, dahil inaasahan niyang mapagtatagumpayan ng lahat ng 896 barangays sa lungsod ang kanyang hamon sa mga ito.

 

“Kapag kayo po ay walang nairehistro sa amin na walang impeksyon, walang new cases in the next two months sa inyong barangay, kayo po ay magkakamit ng P100,000,” ayon kay Moreno, sa kanyang Facebook Live.

 

“Kapag walang naitala sa inyong barangay na new infection, kahit mayroon ngayon ay hindi ‘yon kabilang.So anything na maitala na zero from September 1 to October 31, kayo po ay makakatanggap mula sa pamahalaang lungsod ng additional P100,000 sa inyong mga budget,” dagdag pa ni Moreno.

 

Malaki ang tiwala ni Moreno na malaki ang maitutulong ng naturang proyekto, hindi lamang sa city government, kundi maging sa national government, at sa pagsugpo ng pagkalat ng virus sa bansa.

 

Bukod naman sa karagdagang pondo, tatanggap din ang mga opisyal ng barangay ng

plaque of appreciation mula sa lokal na pamahalaan, bilang pagkilala sa kanilang pagpupunyagi.

 

Sa pinakahuling datos ng.lokal na pamahalaan ,may 8,110 kaso ng COVID-19 ang naitala at may 6,911,ang nakarekober.

 

Kaugnay nito,inaanusiyo ni Moreno na ipinatutupad ang curfew sa lungsod, mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng madaling araw.

(GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads May 17, 2024

  • Training ni Pacquiao ‘di apektado sa kasong ‘breach of contract issue’

    Hindi umano makakaapekto sa nagpatuloy na training ni Sen. Manny Pacquiao ang isyu tungkol sa breach of contract.     Ito ang pahayag ni Pacquiao matapos lumabas ang balita na may sinuway itong kontrata sa OD Promotions.     Sigurado umano ito na walang nangyaring breach sa kontrata dahil alam ito ng Team Garcia.   […]

  • Workouts ni Sotto sa NBA teams sunud-sunod

    TULOY lang si Kai Sotto sa pagpapakitang-gilas sa ilang serye ng workouts para sa 2022 NBA Rookie Draft na idaraos sa Hunyo 23 (Hunyo 24 sa Maynila) sa Brooklyn, New York.     Sa pagkakataong ito, sumalang ang 7-foot-3 Pinoy cager sa workout ng Cleveland Cavaliers para makita ang talento nito ng mga coaches at […]