BARANGAY NA WALANG COVID CASE NG 2 MONTHS, MAY P100K KAY YORME ISKO
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
BIBIGYAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng P100,000 insentibo ang barangay na hindi magkakaroon ng COVID19 sa loob ng susunod na 2 buwan.
Ayon kay Moreno, ito ay kung mapapanatili nilang COVID19 free ang kani-kanilang barangay mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 31,2020.
Sinabi ni Moreno na naglaan sila ng P89.6 milyong budget para dito, dahil inaasahan niyang mapagtatagumpayan ng lahat ng 896 barangays sa lungsod ang kanyang hamon sa mga ito.
“Kapag kayo po ay walang nairehistro sa amin na walang impeksyon, walang new cases in the next two months sa inyong barangay, kayo po ay magkakamit ng P100,000,” ayon kay Moreno, sa kanyang Facebook Live.
“Kapag walang naitala sa inyong barangay na new infection, kahit mayroon ngayon ay hindi ‘yon kabilang.So anything na maitala na zero from September 1 to October 31, kayo po ay makakatanggap mula sa pamahalaang lungsod ng additional P100,000 sa inyong mga budget,” dagdag pa ni Moreno.
Malaki ang tiwala ni Moreno na malaki ang maitutulong ng naturang proyekto, hindi lamang sa city government, kundi maging sa national government, at sa pagsugpo ng pagkalat ng virus sa bansa.
Bukod naman sa karagdagang pondo, tatanggap din ang mga opisyal ng barangay ng
plaque of appreciation mula sa lokal na pamahalaan, bilang pagkilala sa kanilang pagpupunyagi.
Sa pinakahuling datos ng.lokal na pamahalaan ,may 8,110 kaso ng COVID-19 ang naitala at may 6,911,ang nakarekober.
Kaugnay nito,inaanusiyo ni Moreno na ipinatutupad ang curfew sa lungsod, mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng madaling araw.
(GENE ADSUARA)
-
Para kay Panelo, binatang may autism, imposibleng mang-agaw ng baril at manlaban sa pulis
IMPOSIBLE para sa pinatay na binatang may “special needs” ang mang-agaw ng baril at manlaban sa isinagawang raid sa illegal cockfight sa Valenzuela City. Namatay ang 18 anyos na si Edwin Arnigo sa gitna ng operasyon kontra tupada nitong Linggo. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangang maimbestigahang mabuti ang […]
-
ISKO MORENO, lamang pa rin sa pagka-Mayor ayon sa survey sa Maynila
MATATAG pa rin ang lamang ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa karera sa pagka-alkalde ng Maynila, base sa pinakabagong survey ng OCTA Research. Sa survey na isinagawa noong Abril 20 hanggang 23, nakakuha si Domagoso ng 63% voter preference, malayo sa 18% ni Mayor Honey Lacuna at 16% ni Rep. Sam Versoza. Ayon sa OCTA, […]
-
Thunder, kinumpleto ang second-largest playoff comeback at ibinulsa ang 3-0 lead laban sa Memphis
IPINOSTE ng Oklahoma City Thunder ang second-largest playoff comeback upang ibulsa ang 3-0 lead laban sa Memphis Grizzlies. Sa ikatlong game sa pagitan ng dalawang koponan, binura ng Thunder ang 29-point deficit upang itumba ang Grizzlies, hawak ang anim na puntos na kalamangan, 114-108. Sa pagtatapos ng 1st half, hawak na ng Memphis ang 26-point […]