• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barbers nanawagan sa DOJ magsampa ng murder charges laban kay Garma, Leonardo sa lalong madaling panahon

HINIKAYAT ni House Quad Comm Leader at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang Department of Justice (DOJ) na mag samoa ng muder charges laban kina retired police Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo kaugnay sa pananambang nuong 2020 laban kay retired police Gen. Wesley Barayuga.

 

 

Ayon kay Barbers mayruon silang close coordination sa DOJ at mayruon silang mga representatives na nagmomonitor sa kanilang pagdinig lalo at kanilang ibinubunyag ang isang krimen.

 

 

Tinukoy ni Barbers ang naging rebelasyon ni Police Lt. Col. Santie Mendoza ng Philippine National Police Drug Enforcement Group at Nelson Mariano, na isang drug informant ni Mendoza na sina Garma at Leonardo ang nasa likod sa pagpatay sa dating Lotto official.

 

 

Giit ni Barbers sa mga nasabing rebelasyon dapat gumalaw na ang DOJ at sampahan na ng kaso sina Garma at Leonardo.

 

 

Sa pagdinig ng Quad Comm nuong nakaraang Biyernes iminungkahi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na isama sa committee report ang rekumendasyon na sampahan ng kaso sina Garma at Leonardo.

 

 

Una rito, naglabas ng pahayag ang PMA Matikas Class of 1983 at pinuri ang Quad Comm sa paglabas sa likod ng asasinasyon ni Barayuga.

 

Si Barayuga ay miyembro ng PMA Class 1983. (Vina de Guzman)

Other News
  • Requests, proposals ng Estados Unidos ukol sa EDCA, kasalukuyang sinusuring mabuti-PBBM

    NIREREPASO ngayong mabuti ng Malakanyang ang “requests at proposals” ng Estados Unidos  kaugnay sa  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).     Binanggit ito ng Chief Executive sa isang event sa Quezon City nang tanungin ukol sa nirerepasong Mutual Defense Treaty,  isang 70-year-old accord na nag-aatas sa Estados  Unidos na idepensa ang Pilipinas mula sa anumang […]

  • P1.4 bilyong pondo sa libreng sakay sa EDSA carousel, aprub ng DBM

    APRUBADO  na ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) ang  P1.4 bilyon na Special Allotment Release Order (SRO)  at ang Notice of Cash Allocation (NCA) na karagdagang pondo para sa pinalawig na “Libreng Sakay” program.     Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang paglalaan ng karagdagang pondo ay suporta sa hangad ni Pangulong Bongbong […]

  • Nakilala at naging kaibigan si Alden: JULIA, inamin na first project na na-enjoy dahil maraming natutunan

    NA-AMAZE pala si veteran actor ER Ejercito, nang mapanood niya ang world premiere ng special limited series na “Maging Sino Ka Man” last Monday evening sa GMA-7.     Nagpakita nga ng husay sa mga action scenes ang mga bidang sina Barbie Forteza at Davie Licauco.  Pinuri ni ER ang dalawang co-stars niya.  Pinatutunayan daw […]