BARBIE, nanggigil sa galit dahil biktima rin ng fake nude photos tulad nina SUE at MARIS
- Published on February 4, 2021
- by @peoplesbalita
AFTER na mabiktima nang pambababoy dahil sa pagkakalat ng fake nude photos nina Sue Ramirez at Maris Racal, si Barbie Imperial naman ang ginawan ng malaswang larawan.
Kaya naman galit na galit na pag-post sa kanyang IG account ang Kapamilya actress at in-upload ang original photo na naka-neon bikini na kinunan last year sa isang beach resort sa San Juan, La Union.
“Reposting this photo because people are messaging me about this photo (2nd photo). Grabe, sobrang stupid naman. You really think I’ll post a photo like this?,” panimula niya.
Dugtong pa ni Barbie, “Sa lahat ng nagshashare nito, ANG LALA NYO. And sa lahat ng nagbabash and madaming sinasabi sakin dahil sa picture na to, ANG TANGA LANG. Wala na ba kayong magawa kundi mag edit ng photos ng mga babae at gawing nude photo?
“Paisa lang po, dahil nakakagigil talaga yung gumawa nito. Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak?! Itigil nyo na, wala kayong ambag.”
Nag-react naman ang kanyang IG followers at kinondena ang nag-edit at nagpapakalat ng fake nude photo. Maging ang ilan sa malalapit na kaibigan sa showbiz tulad nina Sue Ramirez, Ara Mina, Sunshine Cruz, Michelle Gumabao, Sherilyn Tan at IC Mendoza, ay nag-comment rin para magbigay ng suporta sa ipinaglalaban ng dalaga.
Reaction naman ng ibang netizens na ‘yun iba ay parang bini-blame pa si Barbie kaya siya nabiktima nang pambabastos:
“maraming talagang hindi busy at maraming data. i feel bad for those who are victimized by these malicious acts. no one deserves such pambabastos.”
“The more these maniacs are acknowledged the more they feel power. We all know it’s edited. Stop giving these maniacs a platform in your IG feed to put an end to it.”
“On the other hand, they need to be called out to have more chance of exposing the person who did this.”
“No one is interested Barbie.’
“maybe to you it’s nothing pero if this happen to you or someone you care about, hindi ka siguro magiging dismissive lang.”
“Limit the bikini and thirst trap photos naman kasi baby girl. Daming manyakis sa socmed ngayon. We all know how sexy and pretty you are, no need for validation na.”
“i think maganda naman ang intention mo, but it has a slight dose of victim blaming. kahit naman nakadamit sya dyan, those that manipulates photos can still edit and undress anyone.”
“What are you talking about? She can wear anything she wants. She is not posting naked pictures of hers. It’s her body, walang inaapakang tao. Marami lang talagang madumi utak katulad mo. It’s 2021.”
“nasa beach sya, what do you expect her to wear?I personally know someone na naka jeans and shirt sa photo pero naedit p rin ung photo to appear topless kaya wag natin sabihin na limitahan ang pagsusuot ng sexy kse these manyakis are everywhere kahit ano pa man suot mo.”
“Nasa beach xa gurl and she has the body so why not flaunt it. If ikaw walang K, magmalong ka dyan. Binigyan mo pa ng hustisya ang mga may mala demonyong utak sa social media. Haayyyy ang mga makitid ang utak nga nman.”
“Lessons learned talaga na wag na magpost ng mga ganyang selfie. Yes, it’s our body, IG and life pero iba na ang panahon ngayon.” (ROHN ROMULO)
-
Agarang pagpapalabas ng tulong, mamadaliin ng DSWD
BIBILISAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bibilisan ang pagpapalabas ng tulong para sa mga pamilya at indibidwal na nangangailangan ng agarang suporta sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program. Gagamitin ng departamento ang kanilang updated guidelines para rito. Ni-review at binago kasi […]
-
Ads September 4, 2020
-
Pangandaman ginawaran ng Gawad Kapayapaan Award
IPINAGKALOOB kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang prestihiyosong Gawad Kapayapaan Award nitong Setyembre 30. Ang naturang pagkilala ay iprinisinta ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU). Kinilala ang kontribusyon ni Secretary Pangandaman sa kapayapaan at pagpapaunlad ng ekonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim […]