Barcena kampeon sa WVMC half-marathon
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
NAGBIDA ang beterana ng 2019 Berlin Marathon na si Nhea Ann Barcena sa kampanya ng mga pambato ng National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines (NMSAAP) Team na akreditado ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), sa kakaarangkada lang na 1st Worldwide Virtual Masters Challenge (WVMC) 2020.
Pinamayagpagang 38-anyos, may taas na -old, 5-2, sinilang sa Panulukan, Quezon pero residente ng Taguig City at kawani ng Alveo Land technical support, ang women’s half-marathon 35-age level sa tiyempong 1 oras, 27 minuto at 19 na segundo
Lumanding pang pangalawa ang consistent winner sa mga 21K regional race ng National MILO Marathon, sa 5,000-meter footrace sa 19:50, at sa 1,500m run sa 5:14 sa nasabi ring age group.
Pumangalawa naman ang abogadang nakabase sa San Pedro City na si Maria Carmencita Obina-Muaña sa W50 5,000m race sa 25:59 clocking.
Habang ikatlo si Drolly Claravall sa W50 shot put 3-kilogram B sa distansiyang 7.96m at sa discus throw 1kg B sa layong 20.66m.
Idinaos ito ng World Masters Athletics (WMA) bilang pagkilala sa Toronto Team 2020 at mga atletang may 35 taon at pataas dahil sa pagkakansela ng 24th World Masters Athletics Championships (WMAC) 2020 nitong Hulyo 20-Agosto 1 sa York Lions Stadium at Varsity Stadium sa Canada dulot ng Codiv-19. (REC)
-
Wala ng libreng sakay sa EDSA busway
MAGBABAYAD na ang mga pasahero ng EDSA busway matapos na hindi na palawigin ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkakaroon ng libreng sakay kung saan may mahigit na 400,00 na pasahero kada araw ang sumakay noong nakaraang taon. Pinag-aaralan ng DOTr na kung maaari ay ibigay nasa pribadong sektor ang pamamahala ng […]
-
SIM card registration sa bansa, umabot na sa 15% –DICT
UMABOT na sa mahigit 15% ng lahat ng SIM cards sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang rehistrado na sa kani-kanilang public telecommunication entities (PTEs) “as of Saturday, January 28.” Base sa data ng Department of Information and Communications Technology (DICT), may kabuuang 26,637,515 SIM cards ang rehistrado na “as of 11:59 p.m. […]
-
3 mangingisda, timbog sa P142K shabu
ARESTADO ang tatlong mangingisda kabilang ang isang binatilyo na narescue sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa P142K halaga ng shabu sa Navotas city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Jhay Ar Miranda, 26, […]