Barko ng China sa West Philippine Sea, lumobo sa 251
- Published on September 26, 2024
- by @peoplesbalita
LUMOBO na sa 251 ang bilang ng mga barko ng China na namataan sa West Philippine Sea bunsod ng mga militia vessels na nakapaligid sa kinaroroonan ng BRP Sierra Madre.
Ayon sa report ng Philippine Navy, umaabot na sa 251 China Coast Guard (CCG) ships, People’s Liberation Army-Navy (PLA-N) warships at Chinese maritime militia (CMM) vessels ang naitala mula Setyembre 17 hanggang 23.
Ang mga Chinese ship na namataan sa WPS ay 2 CCGs, 2 PLANs, 7 CMMs, 1 research ship sa Bajo de Masinloc; 9 CCGs, 62 CMMs, 1 research vessel sa Ayungin Shoal; 1 CCG, 23 CMMs, 1 research vessel sa Pagasa Islands; 3 PLANs sa Likas Island; 2 CMMs sa Panata Island; 16 CCGs, 11 PLANs, 55 CMMs sa Escoda Shoal at 18 CMMs sa Iroquois Reef.
Sinabi ng PN na ang nasabing bilang ay record breaking at mas mataas sa 157 vessels na naitala mula Setyembre 10 hanggang 16.
Karamihan ng mga barko ng China ay nakikita sa Ayungin Shoal at Escoda Shoal.
Ang BRP Sierra Madre ay nakadaong sa Ayungin Shoal.
Noong nakaraang linggo nang tinanggal ng Philippine Coast Guard sa Escoda Shoal ang BRP Teresa Magbanua.
Sa kabila nito, iginiit ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, spokesman ng Philippine Navy sa WPS na hindi ito nangangahulugan na China na ang may kontrol sa South China Sea at ginagawa naman lahat ng AFP ang kanilang mandato para protektahan ang soberenya ng bansa. (Daris Jose)
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 28) Story by Geraldine Monzon
SA MAPAGKALINGANG kandungan ni Lola Corazon, sa gitna ng mga magaganda at namumukadkad na mga bulaklak ng hardin, ay namaalam si Janine. Sa Bela’s restaurant. Nabitawan ni Angela ang basong hawak niya at nabasag. “Diyos ko…sana naman ay wala itong masamang ibig sabihin.” Naisip niya. Dadamputin sana niya ang basag na baso […]
-
Obiena bigo sa Olympic medal
Sa kanyang tatlong attempts ay nabigo si Ernest John Obiena na malundag ang 5.80 meters sa finals ng men’s pole vault. Ito ang tumapos sa kampanya ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Tokyo Olympic Games kagabi sa Japan National Stadium. Pumuwesto sa 11th place ang 6-foot-2 na si Obiena, […]
-
500 pang traditional jeepneys sa 4 na ruta sa NCR makakabiyahe na sa Oct. 30 – LTFRB
DAGDAG pang mahigit 500 mga traditional jeepneys sa apat na ruta sa Metro Manila ang pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa Biyernes, Oktubre 30. Batay sa Memorandum Circular (MC) 2020-064 nasa 507 na mga traditional public utility jeepneys (TPUJ) routes ang papasada sa mga susunod na ruta: […]