• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

500 pang traditional jeepneys sa 4 na ruta sa NCR makakabiyahe na sa Oct. 30 – LTFRB

DAGDAG pang mahigit 500 mga traditional jeepneys sa apat na ruta sa Metro Manila ang pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa Biyernes, Oktubre 30.

 

Batay sa Memorandum Circular (MC) 2020-064 nasa 507 na mga traditional public utility jeepneys (TPUJ) routes ang papasada sa mga susunod na ruta:

1. T266 Parang – Recto

2. T267 Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.

3. T268 Recto – SSS Village via Aurora Blvd., Espana Blvd.

4. T3171 Libertad – Pinagbarilan

 

Nagpaalala namana ng LTFRB na maaaring bumiyahe lamang ang mga roadworthy public util- ity vehicles (PUVs) na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

 

Liban nito, kapalit ng special permit (SP) ay mayroong QR Code na ibibigay sa bawat op- erator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.

 

Aniya mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).

 

Binigyang diin naman ng LTFRB na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang TPUJ, maliban na lang kung ipinag-utos ito ng ahensiya.

 

Samantala, istrikto pa ring ipapatupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon basi na rin sa rekomendasyon ng mga health experts. Ito ang palaging: 1) Magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distanc- ing (“one-seat apart” rule).

 

Nagbanta rin ang LTFRB sa mga TPUJ na sundin ang mga patakaran ng ahensya.

 

Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.

Other News
  • Dating Finance Secretary Roberto de Ocampo, kumbinsidong hindi natutulog sa pansitan ang administrasyong Marcos para mapalakas ang ekonomiya

    KUMBINSIDO si dating Department of Finance (DoF)  Secretary Roberto de Ocampo  na may ginagawang mga hakbang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging malakas at tuloy- tuloy ang takbo ng ekonomiya ng bansa.     Sinabi ni de Ocampo, nakikita niyang nagsusumikap ang administrasyong Marcos  para matiyak na may trabaho ang mga tao habang naghahanap […]

  • Belga, Quinahan, Guiao magkakasama-sama uli?

    NAGBUNGA ng dalawang kampeonato ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa Rain or Shine noong 2011-16 ang pagsasama-sama nina Extra Rice tandem Beau Michael Vincent Belga at Joseph Ronald ‘JR’ Quiñahan, at coach Joseller ‘Yeng’ Guiao.     Pero nagkahiwalay-hiwalay ang tatlo ang tatlo pagkaraan.     Nakapako sa RoS si Belga mula noon hanggang […]

  • Gobyerno, hindi kulang sa preparasyon laban sa Delta coronavirus variant

    IGINIIT ng Malakanyang na hindi kulang sa preparasyon ang gobyerno para sa Delta coronavirus variant sa kabila ng kinapos sa pondo para sa Philippine Genome Center (PGC), nakade-detect ng variants.   “I disagree that there was lack of foresight because we have vigorous testing. We know who is infected, regardless of the variant. Pareho ang […]