• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barko ng PCG, muling hinarass

NAKATIKIM muli ng pangha-harass ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa mga barko ng China.

 

 

Ayon kay CG Commodore Jay Tarriela, ginamitan ng water Cannon ng China Coast Guard (CCG) vessel 3302 ang BRP Datu Pagbuaya ng BFAR at PCG .

 

Ang insidente ay nangyari kaninang alas 6:30 ng umaga sa bahagi ng 16 nautical miles timog ng Bajo De Masinloc kung saan pakay ng mga Tsino ang navigational antennas ng barko ng BFAR.

 

Ayon pa sa PCG, sinadya rin umanong banggain ng CCG ang gilid ng BRP Pagbuaya bago muling binomba ng tubig.

 

Hinarang at binuntutan at ginawan ng delikadong mga pagmaniobra ang BRP Teresa Magbanua mula sa PLA Navy vessel 500 at CCG 503.

 

Habang ang BRP Cabra naman ay nakaranas din ng dangerous maneuvers mula sa CCG 3104.

 

Sinabi ni Tarriela na ang insidente ay nangyari habang nagsasagawa ng routine patrol bilang suporta sa mga mangingisdang Pilipino ang PCG at BFAR sa bahagi ng Bajo De Masinloc

 

Sa kabila nito, tiniyak ni Tarriela na hindi titigil ang PCG at BFAR sa commitment nila na pangalagaan ang interes ng mga mangingisdang Pilipino. GENE ADSUARA

Other News
  • Sec. Cimatu, sinuspinde ang quarry operations sa Guinobatan, Albay

    SINUSPINDE ni Environment Secretary Roy Cimatu ang quarry operations sa Guinobatan, Albay makaraan ang pinsala na dulot ng Bagyong Rolly.   Sa press briefing, sinabi ni Cimatu na may apat na katao ang namatay at tatlo naman ang nailibing ng rumagasang lahar mula Mayon Volcano.   Ani Cimatu, malakas kasi ang agos ng tubig- baha […]

  • Blu Girls dapat nang maghanda para sa 2022 Asiad – Altomonte

    NAKATAKDA na sa Setyembre 10-25, 2022 ang 19th Asian Games sa Hangzhou City, Zhejiang Province, China.     Kaya gusto na ng dating national women’s softball team skipper, catcher at bagong nombrang secretary general ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASA-Phil) na pabalikin na sa pag-eensayo ang Philippine Blu Girls.     “The national […]

  • Priority bills ng administrasyong Marcos, nasa 23 na —PLLO chief

    TINATAYANG nasa 23 na ang priority bills ng administrasyong Marcos.     Matatandaang unang inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng kanyang mga priority bills sa kanyang State of the Nation Address.     “As of today your honor, we have 23 (priority) measures,”   ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro […]