• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barko ng Pinas ‘binomba’ uli ng China, binangga pa

MATAPOS  ang pag-water cannon sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Sabado, ang mga barko naman ng Pilipinas na magsasagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre ang binomba ng tubig ng China Coast Guard, Linggo ng umaga.

 

 

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, sa pagtira ng water cannon ng CCG, nasira ang engine ng M/L Kalayaan.

 

 

Magsasagawa ng RORE mission ang M/L  Kalayaan kasama ang BRP Cabra at Unaizah Mae (UM) 1 BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea nang bombahin ng CCG.

 

 

Nabatid kay Tarriela na maging ang UM1 ay  binangga ng CCG vessel.

 

 

“Regular RORE to BRP SIERRA MADRE this morning. BRP CABRA, Unaizah Mae 1, and M/L Kalayaan water cannoned by China Coast Guard. M/L Kalayaan suffered serious engine damage. Contrary to China Coast Guard disinformation, UM1 rammed by CCG vessel,” nakasaad sa X ni Tarriela.

 

 

Kasabay nito, pinabulaanan ni Tariella ang alegasyon ng CCG, na ang barko ng Pilipinas ang bumangga sa mga CCG.

 

 

Ito ang bagong aggression ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa na sang-ayon na rin sa 2016 UNCLOS Arbitral Award.

 

 

Taong 1999 pa nasa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre na isang World War II ship grounded. Ito rin ang nagsisilbing simbolo ng pagmamay-ari ng Pilipinas sa WPS.

 

 

Nitong Sabado, nang walong ulit na bombahin ng CCG ang tatlong barko BFAR na nasa gitna ng supply mission patungo sa Scarbo­rough Shoal. (Daris Jose)

Other News
  • US journalist patay sa Russian attack sa Ukraine; 2 pang mamamahayag, sugatan

    HINDI rin nakaligtas sa mas tumitindi pang kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine ang mga American journalist na kasalukuyang nasa Ukraine.     Ito ay matapos na masawi ang isang award-winning American journalist na si Brent Renaud, na kinilalang naging contributor sa pahayagang New York Times matapos itong barilin umano ng Russian forces […]

  • Quiapo Church, nanawagan sa mga deboto na makiisa sa “localized traslacion” ng Poong Hesus Nazareno

    Nanawagan ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na makiisa sa “localized traslacion 2021” sa halip na dumagsa sa Quiapo church.     Inihayag ni Rev.Fr. Danichi Hui, Parochial Vicar ng Basilica na ginawang localized ang Traslacion ngayong 2021 bilang pag-iingat sa banta ng corona virus. […]

  • MMDA chair Abalos, walang nakikitang pangangailangan na muling magpataw ng bagong curfew hour sa NCR

    SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi kailangan na muling magpataw ng curfew sa National Capital Region (NCR) dahil ang mga residente ngayon ng rehiyon ay marunong “mag-self regulate” sa gitna ng surge sa COVID-19 cases.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na alas-8 pa lamang […]