• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quiapo Church, nanawagan sa mga deboto na makiisa sa “localized traslacion” ng Poong Hesus Nazareno

Nanawagan ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na makiisa sa “localized traslacion 2021” sa halip na dumagsa sa Quiapo church.

 

 

Inihayag ni Rev.Fr. Danichi Hui, Parochial Vicar ng Basilica na ginawang localized ang Traslacion ngayong 2021 bilang pag-iingat sa banta ng corona virus.

 

 

Ayon kay Rev. Fr. Danichi Hui, Parochial Vicar ng basilica, humingi ng tulong ang Quiapo Church sa mga simbahan sa Metro Manila at maging sa iba’t ibang lalawigan upang magsagawa ng nobenaryo at mga misa para sa kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

 

 

“Localize celebration meaning sa mga provinces na pinagdalhan namin ng image ng Nazareno ay magsi-celebrate sila doon ng novena masses at fiesta mass. We also asked some parishes and diocese to celebrate novena,” pahayag ni Fr. Hui sa Archdiocese of Manila – Office of Communications.

 

 

Ibinahagi ng pari na kanilang hiniling sa mga lalawigan na may mas maluwag na panuntunan ng community quarantine ang pagsasagawa ng motorcade sa imahe ng Poong Nazareno.

 

 

“Bilang isang deboto ang hiling namin ay una sumunod sa mga minimum health protocols (new normal protocols) second, kung pupunta ng Quiapo, alamin muna ang mga entrances at exit points para di maabala,” dagdag pa ni Fr. Hui.

 

 

Panawagan naman nito sa mga deboto na may karamdaman na huwag nang pumunta sa simbahan sa halip ay antabayanan at subaybayan na lamang sa social media pages ng Quiapo church tulad ng Facebook, YouTube at Twitter upang makaiwas sa sakit.

 

 

Naniniwala ang basilica na sa pamamagitan ng localized traslacion ay mabawasan ang pagdagsa ng mga deboto sa Quiapo Church sa ikasiyam ng Enero lalo’t naitatala taun-taon ang mahigit sampung milyong indibidwal na nakikilahok sa Traslacion.

 

 

Ilan sa mga lugar na bibisitahin ng imahe ng Poong Nazareno sa National Capital region ang Hospicio de San Jose; Jan 1, San Lazaro Hospital; Jan 2, Manila Cathedral; Jan 3, Greenbelt Chapel; Jan 4, Manila City Hall; Jan 5, Bureau of Fire Prevention – QC; Jan 6, Manila Police District; and Jan 7, Brgy. 394.

 

 

Bukod sa mga parokya sa National Capital Region ay may mga lugar din na bibisitahin ang replica image sa Northern at Southern Luzon.

Other News
  • ‘NCR MAYORS, NAIS ANG ‘STABLE DECLINE’ SA COVID-19 CASES BAGO HUMIRIT NG MGCQ’

    NAIS umano munang makita ng mga alkalde sa Metro Manila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 bago irekomendang ibaba na ang rehiyon sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).   Sa ngayon kasi ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) status ng Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng […]

  • Boxing, horse racing pinayagan na ng IATF

    Pinayagan nang makabalik sa paglalaro ang professional boxers at horse racing, maging ang mga lisensyadong individual sa industriya mula sa Games and Amusements Board (GAB), habang inaasahang darami pa ang sports  na posibleng payagan sa mga lugar na pinapatupad ang mas pinagaan na General Community Quarantine.   Ito ang ginawang paglilinaw ng GAB sa mga […]

  • PDu30, maayos ang kalusugan-Malakanyang

    “HE is as good as anyone of his age.”   Ito ang tugon ng Malakanyang sa mga nagtatanong at naghahanap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga araw na nananalasa at bumabayo ang super typhoon rolly sa bansa.   Ang hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa kauna-unang public briefing habang nananalasa ang bagyong rolly ay […]