• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barko ng Pinas, China nagbanggaan 4 sugatan

APAT katao ang sugatan nang bombahin ng tubig ng dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) ang bangka ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, kamakalawa ng umaga.

 

 

Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), nabasag ang windshield ng Unaizah May 4 dahil sa ginawang pagbomba dito ng mga barko ng CCG, na nagresulta sa pagkasugat ng apat na tripulanteng sakay nito.

 

 

Ang mga hindi pinangalanang tripulanteng Pinoy ay kaagad namang nalapatan ng lunas ng mga tripulanteng sakay ng BRP Sinda­ngan ng Philippine Coast Guard (PCG).

 

 

Kaugnay nito, binatikos ng NTF-WPS ang anila’y “unprovoked acts of coercion and dangerous maneuvers” ng CCG laban sa mga barko ng Pilipinas na naglagay anila sa panganib sa buhay ng mga Pinoy na sakay nito.

 

 

“The systematic and consistent manner in which the People’s Republic of China carries out these illegal and irresponsible actions puts into question the sincerity of its calls for peaceful dialogue and lessening of tensions,” ayon sa kalatas.

 

 

Ayon naman kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ang insidente ay naganap kahapon ng umaga habang nagsasagawa ng rotation at reprovisioning operation (Rore) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa WPS.

 

 

Unang naglayag ang dalawang civilian contrac­ted vessels na ­Unaizah May 1 at ­Unaizah May 4 upang magsagawa ng Rore sa BRP Sierra Madre sa WPS. Ang mga ito ay sinamahan at sinuportahan naman ng BRP Cabra at BRP Sinda­ngan.

 

 

Pagsapit umano ng alas-6:32 ng umaga ay nagsagawa na umano ng dangerous blocking maneuvers ang CCG vessel 21555 laban sa BRP Sindangan, na nagresulta sa minor collision at pagtatamo ng naturang barko ng “superficial structural damage.”

 

 

Dakong alas-8:15 ng umaga ay isa pang barko ng CCG ang nagsagawa rin ng dangerous blocking maneuver laban sa Unaizah May 4, na nag­resulta rin sa minor collision.

 

 

Magkasunod rin umanong binomba ng tubig ng mga CCG vessels 21555 at 21551 ang Unaizah May 4, na siyang nagresulta sa pinsala sa barko at pagkasugat sa mga tripulante nito.

 

 

Dahil dito, napilitang umikot at bumalik na sa mainland Palawan ang Unaizah May 4, na ines­kortan naman ng BRP Sindangan.

 

 

Matagumpay naman umanong nakarating at nakapaghatid ng suplay sa BRP Sierra Madre ang isa pang resupply boat na Unaizah May 1 dakong alas-9:30 umaga. Nakumpleto nito ang kanilang misyon dakong alas-10:45 ng umaga.

 

 

Pagtiyak naman ng NTF-WPS, “The Philippines, for its part, conti­nues to act peacefully and responsibly, consistent with international law, particularly UNCLOS and the legally binding 2016 Arbitral Award. Peace and stability cannot be achieved without due regard for the legitimate, well-established, and legally settled rights of others.” (Daris Jose)

Other News
  • Sunud-sunod na sinagot ang mga isyu sa kanya… VICE GANDA, nagbirong aalis na sa ‘It’s Showtime’ kaya may contract signing

    IKINALOKA ng mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime” lalo na sa grand finals ng “Miss Q&A” last Saturday.     Sunud-sunod ang naging Twitter post ng TV host-comedian para patulan ang tanong isang netizen na kung ano ang […]

  • Inflation, magsisimulang humupa sa Enero, balik sa target range sa Hulyo –BSP

    INAASAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimulang bumagal at humupa ang  inflation sa Enero ng susunod na taon at babalik ito sa normal na  target range sa Hulyo.     Sinabi ni BSP governor felipe medalla na ang inflation ay magsisimulang maging normal matapos na  umabot ito sa pinakamataas ngayong buwan kasunod […]

  • ‘Oppenheimer’, big winner sa 96th Academy Awards: EMMA STONE at CILLIAN MURPHY, waging Best Actress at Best Actor

    ANG epic biographical thriller na Oppenheimer ang big winner sa 96th Academy Awards that aired lived on ABC with comedian Jimmy Kimmel as host for the fourth time.     Oppenheimer won seven awards, including best picture, best director, best supporting actor for Robert Downey, Jr. and best actor for Cillian Murphy as the first […]