• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barko ng Pinas hinabol ng Chinese vessels

NAGKAHABULAN ang barko ng Pilipinas at Chinese vessels hanggang sa matagumpay na naisagawa ng bansa ang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Biyernes.

 

 

      Ito’y ayon sa Philippine Coast Guard, tila pelikulang nangyari nang habulin ng Chinese vessels ang barko ng Pilipinas na nakalusot sa gitna ng mga pagharang at panggigipit ng China Coast Guard.

 

 

Nasa 11 Chinese vessels ang nagsagawa ng mga pagharang at panggigipit sa PCG vessels at sa resupply boats.

 

 

      Nabatid na nasaksihan din ng ilang miyembro ng media ang habulan hanggang sa mara­ting ng PCG personnel ang Ayungin Shoal.

 

 

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, nakumpleto ang resupply mission sa kabila ng mga pagharang ng China Coast Guard.

 

 

Nabatid na sinamahan ng PCG ang dalawang barko na magsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre. Ang barkong World War II  ay 1999 pa  nasa Ayungin Shoal na indikasyon sa claim ng  Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

 

Tiniyak naman ng mga sundalong naka­talaga sa BRP Sierra Madre na patuloy nilang ipaglalaban at babantayan ang pag-aari ng Pilipinas mula sa bansang naghahangad  dito.

 

 

      Matatandaang batay sa 2016 Arbitral Award and the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang Ayugin Shoal ay nasa loob ng 200-km exclusive economic zone ng Pilipinas.

 

 

Hindi ito matanggap ng China kaya patuloy ang pagharang sa mga resupply mission. (Dari Jose)

Other News
  • Mahigit P1.1-B halaga ng ayuda naipamahagi na

    Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos 1 milyong low-income na mga Pilipino na naapektuhan nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang ayuda.     Aabot umano ng mahigit isang bilyong piso ang naipamigay ng nasabing ahensya.     Batay sa […]

  • Ads January 6, 2020

  • NAKISALI sina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez

    NAKISALI sina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at ilang mga konsehal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa paghataw sa Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola na mga Navoteño seniors na bahagi ng ika-118th Navotas Day celebration. (Richard Mesa)