BARKONG PANGISDA NG CHINA, TINULUNGAN NG PCG
- Published on January 30, 2023
- by @peoplesbalita
NIRESPONDEHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barkong pangisda ng China sa bahagi ng baybayin sakop ng Eastern Samar.
Ayon kay Commodore Arman Balilo, nakatanggap ng distress call ang PCG ngayon umaga mula sa dayuhang barko na may pangalang KAI DA 899 kaya agad rumisponde ang coast guard personnel.
Sa inisyal na impormasyon, binayo ng malalakas na alon ang dayuhan barko dahil sa masamang panahon SA nasabing lugar.
Patungo na sa kinalalagyan ng Chinese vessel ang MRRV 4409 o ang BRP Suluan ng PCG para tumulong sa dayuhang barko. GENE ADSUARA
-
P43/kilo ng bigas, ibebenta na sa Kadiwa sites
SIMULA Oktubre 11 ay magbebenta na ng mas mababang presyo ng bigas na P43 kada kilo ang mga Kadiwa sites sa bansa. Ito, ayon sa National Food Authority (NFA) ay batay sa ilalim ng Rice for All program ng pamahalaan. Ayon sa NFA, ang naturang presyo ay mas mababa kumpara sa P45 […]
-
Tanging merit scholarship applications para sa freshmen ang apektado ng fund shortage- CHED
SINABI ng Commission on Higher Education (CHED) na tanging ang bagong aplikasyon para sa merit scholarships sa tertiary level ang apektado ng kakapusan sa pondo. “Ang hindi nalagyan o nagkulang ‘yung pondo ay ang tinatawag naming merit scholarships. Ito ang financial assistance based on grades,” ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera. […]
-
Nakatira na raw ngayon sa isang unit sa Rockwell: Dream house ni DANIEL, may nagkaka-interes na pero wala pang bayarang nagaganap
AFTER nakitang magkasamang namili ng celphone sina Gretchen Barretto at Atong Ang, ay kay Sunshine Cruz naman iniuugnay ang negosyante. May relasyon daw ngayon si Atong sa dating asawa ni Cesar Montano. May mga nakakita raw na magkasama sina Sunshine at Atong sa isang non-showbiz affair. Kumbaga, lipas na raw at lumang […]