• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakatira na raw ngayon sa isang unit sa Rockwell: Dream house ni DANIEL, may nagkaka-interes na pero wala pang bayarang nagaganap

AFTER nakitang magkasamang namili ng celphone sina Gretchen Barretto at Atong Ang, ay kay Sunshine Cruz naman iniuugnay ang negosyante.

 

May relasyon daw ngayon si Atong sa dating asawa ni Cesar Montano.

 

May mga nakakita raw na magkasama sina Sunshine at Atong sa isang non-showbiz affair.

 

Kumbaga, lipas na raw at lumang isyu yung kay Gretchen Barrett kundi isang Sunshine Cruz daw ang karelasyon ng mayaman at kontrobersiyal na negosyante.

 

Agad namang itinanggi ni Sunshine ang naturang isyu bagkus natatawa na lang ang ang premyadong aktres.

 

Dagdag pa niya na medyo matagal na raw ang naturang isyu. Hindi na raw dapat pang pag-usapan pa dahil wala raw namang katotohanan.

 

Sa isang panayam, idinenay din naman ni Atong Ang ang kumakalat na isyu, huh!

 

***

 

MATAPOS lumabas na ‘for sale’ na ang dream house ng sikat na aktor na si Daniel Padilla ay may mga nagkaka-interes na raw sa naturang mansiyon.

 

Pero as of this writing, ay wala pa raw namang bayarang nangyayari. Kaya hanggang ngayon ay pagmamay-ari pa rin ito ng Kapamilya actor.

 

Pero may nakarating na balita sa amin na hindi na raw nakatira si Daniel sa naturang bahay na super ipinagmamalaki pa niya noon, huh!

 

Doon na raw sa Rockwell umuuwi ang dating karelasyon ni Kathryn Bernardo. May isang unit kasi sa isa sa pinakamahal na lugar sa Rockwell ang anak ni Karla Estrada.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • 47 HEALTH PROTOCOL VIOLATORS SA NAVOTAS POSITIVE SA COVID

    Nagpositibo sa COVID-19 ang 47 sa 209 health protocol violators na nadakip mula March 16-19, 2021 sa Navotas city.     Nagpasa ang Navotas ng City Ordinance No. 2021-17 na nagpapataw ng mandatory RT-PCR swab test penalty sa mga lalabag sa safety protocols kabilang curfew, pagsuot ng face mask, at social distancing.     “This […]

  • ‘Candyman’ Reboot from Producer Jordan Peele Unveils New Unsettling Trailer

    THE upcoming horror film Candyman from director Nia DaCosta and producer Jordan Peele has just revealed a new trailer.     Watch below: https://www.youtube.com/watch?v=TPBH3XO8YEU     The new horror film centered on a painter becomes obsessed with the urban legend of the hook-handed killer, the Candyman.     Candyman is a reboot of the 1992 film of the […]

  • NA-LOCKDOWN NA BARANGAY SA MAYNILA, LUMOBO PA

    LUMOBO pa ang bilang ng mga barangay na kailangan i-lockdown ng pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.   Kabilang sa isasailalim sa apat na araw na “lockdown” ang anim pang barangay sa lungsod makaraang makapagtala ng sampu o higit pang kaso ng sakit.     Sa nilagdaang Executive Order no. […]