BARMM, “greatest legacy” ni Pangulong Duterte sa mga Muslim- regional executive
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
ANG Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang itinuturing na “greatest legacy” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Filipino- Muslims.
Kaya nga, hinikayat ni BARMM Chief Minister Ahod “Murad” Ebrahim ang kanyang mga nasasakupan na huwag kalimutan kung ano ang mga nagawa ni Pangulong Duterte para sa kanila pagdating sa pagkakaroon ng ‘homeland’ sa Mindanao.
“From the bottom of our hearts, thank you very much, Mr. President,” ayon kay Ebrahim sa isang kalatas.
Sa kabilang dako, pinangunahan ni Ebrahim ang pagbubukas sa regular session ng 80-member Bangsamoro Transition Authority (BTA) parliament.
Sa nasabing event, pinaalalahanan ni Ebrahim ang Bangsamoro people na sa ilalim ng administrasyong Duterte naipasa ang Bangsamoro Organic Law (BOL) na naging daan para maitatag ang BARMM.
Tinukoy ni Ebrahim ang ilang ‘notable milestones’ ng BARMM para sa nakalipas na tatlong taon simula ng manumpa ang mga BTA members para sa kanilang moral governance noong 2019.
“The regional government has been working tirelessly in building and running a government we can all proudly call Bangsamoro,” anito.
Inulit naman ni Ebrahim ang kahalagahan ng public support sa panahon ng transition period.
Sinabi pa rin niya na nahaharap sa maraming hamon ang regional subalit ito’y malalampasan sa pakikipagtulungan ng bawat isa.
“Some of these challenges cannot be resolved by BARMM alone, it needs continuing support from the national government, the international community, and local stakeholders,” ayon kay Ebrahim.
“What is primordial is to ensure that with the challenges and imperfections, we continue to thrust forward and major and small wins for the region,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Ads July 5, 2022
-
PSC, Bangsamoro Sports PARES
NAKIPAGPULONG ang delegasyon ng Bangsamoro Sports Commission (BSC) sa Philippine Sports Commission (PSC) Board nitong Lunes, Pebrero 27, para sa grassroots program ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Pinamunuan ni Chairperson Arsalan Dimaoden ang BSC na nagharap ng 12-point agenda sa PSC na kinabibilangan ng mahigpit na kooperasyon sa pagpapaunlad ng mga […]
-
10 pang ruta ng mga PUJs, binuksan sa Metro Manila; higit 1-K jeep, makikinabang
Mahigit 16,000 na ngayon ang bilang ng mga public utility jeepneys (PUJs) ang balik kalsaa matapos nang payahan ng Land Trnasportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang 10 ruta dito sa Metro Manila. Sa pagbubukas ng mga ruta aabot naman sa 1,006 na otorisadong jeepneys ang bibiyahe sa iba’t ibang ruta. […]