Baron dinidiskartehan ng Japanese at Taiwanese
- Published on January 27, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI panglokal kundi international din ang kalibre ni Philippine SuperLiga (PSL) star Mary Joy ‘Majoy’ Baron kaya dalawang banyagang koponan sa balibol ang nagkakandarapa sa kanya upang mahikayat siyang sa ibayong dagat na humambalos.
Napasadahan ng pahayagang ito nitong isang araw lang ang Instagram story ng F2 Logistics Cargo Movers middle blocker .
Sinagot ng 25 taon, 5-11 ½ ang taas at isinilang sa Tarlac, ang isang volleyball fan na nag-usisa sa kanyang “A Japanese Team tried to get you?”
Sumagot naman ang multi-awarded volleybelle ng “False. But a Japanese team asked for my availability,” pagbubunyag ng dalaga.
Hinirit niya sa isa pang ‘Q’, ” na isang Tawain team ang nanliligaw sa kanya bago pa mag-Grand Prix 2020.
Maaring binatay ng foreign squad ang pagkagusto sa beteranang balibolista sa pasiklab ni Baron sa 30th Southeast Asian Games PH 2019, at sa kaparehas na taong ASEAN Grand Prix na rito’y hinirang siyang Best Middle Blocker.
Puloy lang sa pakondisyon ang tsinitan bilang paghahanda sa 9th PSL 2021 Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic Freeport sa Pebrero. (REC)
-
Ads December 23, 2020
-
Ads July 3, 2024
-
Pilipinas, hindi lumagda ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine na Sinovac
HINDI lumagda ang Pilipinas ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine sa Beijing-based Sinovac Biotech. Ang indemnification agreement ay magsisilbing kalasag ng vaccine makers mula sa legal claims na magmumula sa kanilang emergency use. At sa tanong kung ang mga awtoridad ay lumagda sa nasabing kasunduan sa Sinovac, ay mabilis na “No” ang […]