Bashing sa young actress, lumala pa dahil sa interview kay Boy: POKWANG, ‘di na sumagot sa sinabi ni ELLA na nasaktan sa kanyang naging comment
- Published on July 26, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI na sumagot si Pokwang sa sinabi ni Ella Cruz na nasaktan siya sa comment ni Pokwang tungkol sa “history is tsismis.”
Parang anak kasi ang turing ni Pokwang kay Ella kaya nag-comment sa pinag-uusapan sagot ni Ella.
Matinding bashing ang natanggap ni Ella sa mga netizens dahil sa kanyang statement. Actually, mas lumalala pa ang comments ng mga netizens nang ipagtanggol ni Ella ang kanyang sarili sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.
Dapat sana, bago siya nagbibitiw ng statement, ay pinag-iisipan din ni Ella ang kanyang sasabihin kasi it might do more harm than good.
Sabi nga less talk, less mistake.
Ang huling tweet ni Pokwang ay “Kaya ang gaang ng buhay mo ngayon, kaya ka malayang nakakasigaw ngayon kasi may mga naghirap noon para sayo ay sana wag mo iwaglit iyan sa puso at isip mo.”
As of the moment ay nasa Amerika si Pokwang kasama si K Brosas para sa kanilang concert tour.
***
ISA si Rita Daniela sa nominadong Best Actress para sa ‘Huling Ulan sa Tag-araw’ sa 70th FAMAS Awards na gaganapin sa Metropolitan Theater on Saturday, July 30.
Kalaban niya for the said category sina Charo Santos-Concio (Kun Maupan Man an Panahon), Sharon Cuneta (Revirginized), Maja Salvador (Arisaka), Nicole Laurel Asencio (Katips) at Janine Gutierrez (Dito at Doon).
Nominado naman na Best Actor si Dingdong Dantes as Best Actor para sa ‘A Hard Day.’
Crowding Dingdong for the award ay sina Christian Bables (Big Night), Vince Tanada (Katips), Jerome Ponce (Katips), Daniel Padilla (Kun Maupay Man ang Panahon) at Mon Confiado.
Ang FAMAS ang oldest award-giving body sa Pilipinas. Mga bata pa tayo ay mayFAMAS na.
Dati ang FAMAS lang ang nag-iisang award-giving body sa Pilipinas. Kapag nanalo sa FAMAS ay itinuturing na prestigious ang pagiging actor o actress mo.
Ngayon marami na ang namimigay ng awards. Pati mga schools and universities namimigay na rin ng awards.
(RICKY CALDERON)
-
Pagdeklarang Nat’l Shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila LGU
IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang pagdeklara sa Quiapo Church bilang National Shrine of Jesus Nazareno ay magiging malaking tulong sa matinding debosyon ng mga Katolikong Pilipino partikular na sa mga Manilenyo. Ayon kay Lacuna-Pangan, ang Quiapo Church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ay matagal nang iginagalang bilang dambana […]
-
EJ Obiena nag-2nd place sa pole vault tourney sa Poland
Pumuwesto sa second place sa pole vault ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena sa ginanap na Kamila Skolimowska Memorial 2021 sa bansang Poland. Ito ay makaraang malagpasan at matalon ni Obiena ang taas na 5.80 meters. Sumabak si Obiena sa naturang kompetisyon ilang araw bago naman ganapin ang Wanda Diamond […]
-
Ngayong tapos na ang hit serye nila ni Gabby: SANYA, balik sa pagkanta at nai-record na ang first single
SINA Jerry Sineneng at Dominic Zapata ang mga directors ng upcoming Pinoy adaptation ng Korean drama series na Start-Up. This early, may agam-agam na ang mga fans at netizens kung magagawa ba nila ang tulad ng K-drama na napanood na nila. Kaya sagot nila, during the mediacon, they are giving their best, […]