Bata pa ay nag-struggle na sa mental health niya: Bunsong kapatid nina ELIJAH na si JM, pumanaw na edad na 17
- Published on August 5, 2023
- by @peoplesbalita
NAPAKABATA sa edad na 17 ay pumanaw na ang dating child actor na si JM Canlas.
Bunsong kapatid nina Elijah Canlas at Jerom Canlas. Pumanaw ito noong Huwebes, August 3 ng umaga.
Walang binigay na dahilan o sanhi ng kamatayan, pero ang kapatid niya na si Jerom ay nag-post na diumano’y may mental health issue ang nakababatang kapatid.
Ayon sa post nito, “In his adolescence, JM struggled with his mental health. If you are experiencing current distress and are in need of URGENT ATTENTION, please proceed to the emergency room of the hospital nearest you.”
Nagbigay rin siya ng mga links for counseling services as well as hotline numbers for mental health. These include: DOH-NCMH Hotline: 0917-899-8727 or 02-7989-8727; Natasha Goulbourn Foundation Hopeline: 0917-558-4673, 0918-873-4673 and 02-8804-4673; and In Touch Crisis Line: 0917-800-1123, 0922-893-8944 and 02-8893-7603.”
Nang silipin namin ang account ni Elijah, wala pa itong ano mang post tungkol sa nangyari sa kapatid. Kasalukuyan, ang wake ni JM ay nasa St. Peter Chapels, Quezon Avenue at sa unang araw ay madadatnan daw si Elijah at ang kanyang kapatid at mga magulang, gayundin ang girlfriend nito na si Miles Ocampo.
Ayon kay Direk Arman Reyes na isa sa nakadalaw na, mararamdaman daw ang labis na pamimighati ng pamilya.
Ang amin pong pakikiramay.
***
NAGSALITA na si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto tungkol sa issue ng “It’s Showtime” at sa kanyang mga magulang na si dating Senate President Tito Sotto at si Helen Gamboa.
Ipinatawag ng MTRCB ang producers ng “It’s Showtime” noong July 25, ng taong ito, matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga diumano’y concerned citizens hinggil sa umano’y malaswang inasal nina Vice Ganda at Ion Perez sa “Isip-Bata” segment ng show.
Dahil dito ay katakot-takot ding batikos ang natanggap ni Chair Lala at pinaratangan siyang “unfair” and “biased” dahil hindi niya pinatawag ang “E.A.T.” sa episode na naghahalikan ang kanyang magulang.
Sa interview ni Cristy Fermin kay Chair Lala sa kanyang “Cristy Ferminute,” isa-isang sinagot ng anak ni Tito Sen ang mga issue.
Ayon dito, “Alam n’yo po, lumaki po akong ganu’n. Na halos araw-araw ng buhay naming magkakapatid, ganu’n po talaga ang aming mga magulang, mapa-telebisyon, Nay, maski saan. Mula pa po nun’g bata kami.
“They have been married for 55 years now and katulad nga ng sinasabi ko, ‘yung mga lambingan nilang ganyan, simula pa nang may show sila, ‘yung ‘C.U.T.E.,’ kapag naggi-guest ang mommy sa ‘Iskul Bukol’ at ‘yung dating ‘Eat Bulaga.’ All through the years, ginagawa po nila talaga ‘yan.
“At wala namang naging problema kasi, in fact, ito po ay isa pa ring ehemplo ng mag-asawa,” mahabang paliwanag ni Chair Lala.
Tungkol naman sa issue ng “It’s Showtime,” mahaba ang naging paliwanag niya rito at may proseso raw na sinusunod bago i-call ang isang production o show.
Kaya sa mga nagde-demand na dapat ipatawag din ang “E.A.T”, sinagot niya ito na, “Wala pong dahilan para ipatawag ang ‘E.A.T.’ dahil hindi po sila deserving of a notice to appear. Ang binigyan namin ng notice to appear ay ang programang Showtime that is rated PG, it is a live noontime variety show that is automatically rated PG.”
Sinabi rin ng anak ni Tito Sen na ilang warnings na rin ang ibinigay nila sa “It’s Showtime.”
“Ang programang ‘Showtime’, I hope they don’t take it personally, lalo na yung kanilang supporters. Naiintindihan ko po ‘yun dahil ako ay lumaki sa isang noontime show. So, naiintindihan ko po ‘yan.
“That is why, I believe the board has been very tolerant, napakahaba po ng aming pisi,” pahayag niya.
(ROSE GARCIA)
-
Delta variant umabot na sa Taguig
Kinumpirma kahapon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na umabot na sa kanila ang pinangangambahang Delta variant ng COVID-19, base sa resulta ng pagsusuri sa mga samples ng COVID-19 patients. “May isa po tayong kaso ng Delta variant o iyong nanggaling sa India,” ayon kay Clarence Santos, pinuno ng Taguig Safe City Task Force […]
-
Co-stars sa serye, nagpaabot ng dasal at suporta: CARLA, palaisipan pa ang dahilan nang pagkaka-ospital
PALAISIPAN pa kung ano ang sanhi ng pagkaka-ospital ng Kapuso actress na si Carla Abellana. Araw ng Miyerkules, August 21 ay nag-post si Carla ng litrato niya na naka-dextrose at may lagnat na 39.6 C. Base sa post ni Carla ay naka-confine siya sa Diliman Doctors Hospital. […]
-
₱95 billion expressway project ng Pasig River, bubuhayin ng SMC
Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) nitong Huwebes ang planong pagbuhay sa Pasig River bilang bahagi ng ₱95.4 billion Pasig River Expressway (PAREX) project. “Not only will we be building a much-needed direct link between eastern and western Metro Manila, we will also be leading a historic effort to bring the Pasig River back […]