• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Batang lalaki nalunod sa Navotas

Nasawi ang isang siyam na taong gulang na batang lalaki matapos malunod sa ilog sa Navotas City, kamalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Justine Antonio, 9-anyos ng No. 497 Gov. Pascual, Brgy. Daang-Hari.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon nina PSSg Levi Salazar at PCpl Reysie N Peñaranda, dakong ala-1:20 ng hapon, habang naglalaro ang biktima kasama ang kanyang 10-anyos na nakakatandang kapatid na lalaki sa Riverside Estrella Bridge, Brgy. East makaraang bumuhos ang ulan nang madulas umano ang bata mula sa hinahawakan nitong lubid.

 

 

Lumubog sa ilalim ng tubig ang biktima at hindi na lumutang na naging dahilan upang humingi ng tulong ang kanyang kuya sa kanilang ama na si Nestor, 56, na agad namang sumisid sa ilog para iligtas ang anak.

 

 

Gayunman, nabigo si Nestor na makita ang anak kaya’t humingi sila ng tulong sa mga awtoridad na agad namang nagsagawa ng search at rescue operation ang pinagsamang mga tauhan ng Coast Guard, Bureau of Fire Protection, PNP at Navotas DRRMO.

 

 

Bandang alas-7:02 ng gabi nang ma-retrieved ng mga rescuer ang bangkay ng bata at walang external injury sa katawan nito, habang kumbinsido naman ang kanyang pamilya na ito ay isang aksidente. (Richard Mesa)

Other News
  • Mister kinatay ng kapitbahay sa Navotas

    SINAMPAHAN na ng pulisya ng kaso ang isang mangingisda na walang habas na inundayan ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang naka-alitang kapitbahay sa Navotas City.     Kasong murder ang isinampa ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes sa Navotas City Prosecutor’s Office laban sa 43-anyos na si alyas […]

  • Simula ngayong Nobyembre: DepEd, pinayagan ang 52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning

    PINAYAGAN ng Department of Education  (DepEd) ang naging kahilingan ng  52 public schools na ipagpatuloy ang blended learning methods sa kabila ng naging kautusan ng departamento na pagpapatuloy ng face-to-face classes simula ngayong buwan ng Nobyembre.  May ilang eskuwelahan kasi ang tumaas ang bilang ng mga estudyante  habang nagkulang naman ang mga silid-aralan. Hinihintay naman […]

  • TANSINGCO UMAASA NA MAISASABATAS ANG BAGONG IMMIGRATION LAW

    UMAASA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang batas para pagbabago ng ahensiya ay tuluyan din maipapasa.     Ginawa ni Tansingco ang pahayag kasunod ng pagsuporta ng ilang mambabatas sa Kongreso na ipapasa nila ang natitirang priority bills.     Tinukoy ng BI ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang […]