Batas na naglalayong pagkalooban ng Filipino citizenship ang Spanish football player na si Bienvenido Marañon, nilagdaan ni PDU30
- Published on July 10, 2021
- by @peoplesbalita
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang batas na naglalayong pagkalooban ng Filipino citizenship ang Spanish football player na si Bienvenido Marañon.
Tinintahan ng Pangulo nitong Hulyo 2 ang Republic Act 11570 na nagre-require kay Marañon na mag- Oath of Allegiance to the Philippine Republic sa harap ng lehitimong authorized officer.
Ang Bureau of Immigration ay magpapalabas naman ng certificate of naturalization kay Marañon.
Ang batas ay kagyat na magiging epektibo matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation.
Si Marañon ay dumating sa Pilipinas noong May 2015 at naglaro para sa Ceres Negros Football Club, isa sa mga koponan sa Philippines Football League.
Binansagan siya bilang top scorer at pinarangalan bilang best import player noong 2017, 2018, at 2019.
“He dreams of building a family in this country, and raising his children surrounded by the kindness, humility, and hospitality that Filipinos are known for,” ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, isa sa mga may-akda ng batas.
“He also aspires to represent the Philippines as part of the national team vying in international competitions, and make the country known as one of the top teams in the world of football,” dagdag na pahayag nito.
-
TikTok user na nagbantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos, sumuko sa NBI
KINUMPIRMA ngayon ng Department of Justice (DoJ) na sumuko kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng TikTok account kung saan inupload ang video na nagbabantang papatayin si presidential aspirant Bongbong Marcos. Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, boluntaryo umanong sumuko kahapon ang subject sa NBI. Sa ngayon, hindi […]
-
Request sa GMA na pagsamahin uli sa serye: Nabubuong loveteam nina BARBIE at DAVID, tanggap ng mga netizens
ACCEPTED ng mga netizens ang nabubuong love team nina Barbie Forteza at David Licauco, at sila pa ang nagbuo ng Team FiLay sa historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra.” Open din sa mga fans ang real love story nina Barbie at sa boyfriend nitong si Jak Roberto. Si David naman ay […]
-
Pope Francis idineklara ang ‘Ash Wednesday’ sa Marso 2 bilang international day of fasting and prayer for peace para sa Ukraine
IDINEKLARA ni Pope France ang paparating na Ash Wednesday sa Marso 2 bilang international day of fasting and prayer for peace. Ayon sa Santo Papa na sa nasabing araw ay umaapela ito sa lahat ng panig na mag-abstain mula anumang hakbang na magdudulot ng paghihirap sa mga tao. Magugunitang inanunsiyo ng […]