• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Battle of liberos inaabangan din sa PVL

Maliban sa nagtataasang talon at malulupit na atake ng pinakamahuhusay na top spikers sa bansa, inaaba­ngan na rin ng lahat ang salpukan ng mahuhusay na libero sa Premier Volleyball League (PVL).

 

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama ang matitikas na players sa bansa sa Open Conference ng liga na puntiryang simulan sa Mayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

 

Kabilang na rito ang mga beteranong libero gaya nina Dawn Macandili ng F2 Logistics at Denden Lazaro ng Choco Mucho Flying Titans.

 

 

Excited na si Lazaro na makalaban ang dati nitong teammates sa Ateneo na sina Alyssa Valdez at Jia Morado — ang key players ng reigning champion Creamline.

 

 

“I haven’t played against Alyssa in a long time and Jia as well my former teammates in Ateneo. They are the reigning champions in the PVL, so of course, everybody would want to meet the champions,” ani Lazaro sa prog­ramang The Game.

 

 

Handa na rin si Macandili na saluhin ang lahat ng palo ng mga bagong mukha na makakalaban nito sa PVL.

 

 

“I’m very excited to go up against (the best teams in the league). There are new teams, there are pla­yers na lumipat sa ibang teams. So we really can’t tell who’s gonna play their best this coming PVL,” ani Macandili.

 

 

Maliban kina Macandili at Lazaro, masisilayan din ang matitikas na libero na sina Kath Arado ng Petro- Gazz, Jheck Dionela ng Cignal, Tin Agno ng Army at Alyssa Eroa ng PLDT.

 

 

Nilinaw naman ni La­zaro na magkakalaban sila sa loob ng court ngunit nananatiling magkakaibigan sa labas.

Other News
  • Sa mga paandar na may caption na ‘I found the right one’: RURU at BIANCA, kino-congratulate na ng marami at may nagtatanong kung ‘engaged’ na

    MARAMI ang nagko-congratulate sa Kapuso sweethearts na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.   Habang ang iba, nagtataka at nagtatanong.   Paano naman, halos sabay na nag-post sina Bianca at Ruru sa kanilang individual Instagram accounts ng mga paandar na may caption na, “I found the right one” si Bianca at ang picture na pinost […]

  • Marvel’s ‘Morbius’ Brings Out a Dark, Unforgettable Side of Jared Leto

    JARED Leto disappears into his roles, bringing characters to life in ways that can be moving, or terrifying, or enigmatic, but always unforgettable.     “I’m attracted to roles where there’s an opportunity to transform – physical transformation, but also mental, emotional, any and all,” says Jared Leto, who is indeed renowned for his transformations. […]

  • 2 TULAK TIMBOG SA P170-K SHABU

    Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang natimbog matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinawang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.   Pinuri ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang  Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek […]