• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bawal ang pahinga kay EJ

MULING  makakaharap ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena sina world record-holder Mondo Duplantis ng Sweden at American Chris Nilsen sa Kamila Skolimowska Memorial sa Chorzow, Poland sa Agosto 6.

 

 

Kagagaling lamang ng 6-foot-2 na si Obiena sa makasaysayang bronze medal finish sa World Athletics Championship sa Eugene, Oregon.

 

 

Lumundag si Obiena ng 5.94 meters para angkinin ang tanso na unang medalya ng Pilipinas sa world championships habang sina Duplantis at Nilsen ang kumuha sa ginto at pilak sa kanilang itinalang 6.21m at 5.94m, ayon sa pagkakasunod.

 

 

“It’s getting tough. It’s a bit of a contrasting spectrum of emotions,” wika ng Asian at Southeast Asian Games record-holder.

 

 

Ang Polish tournament ay bahagi ng pretihiyosong Wanda Diamond League Meet kasunod ang Hunga­rian Athletics Grand Prix sa Szekesfehervar, Hungary sa Agosto 8.

 

 

Ang nasabing mga bigating torneo ay bahagi ng paghahanda ni O­biena para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

 

 

“Mondo (Duplantis) is definitely a force to be res­pected, to be reckoned with, and Chris (Nilsen) is a competitor, and everybody else in the field, so if it’s gonna be a medal (in Paris Olympics), I can’t say,” ani Obiena. “Hopefully it will be a better case in Paris.”

 

 

Target din ng 26-anyos na pole vaulter ang malundag ang 6.00-meter height na madaling nakukuha ni Duplantis.

Other News
  • Abueva, tinanggihan ang mga alok sa ibang liga

    Mas pinili pang maglaro sa PBA kaysa mapunta sa ibang liga si Phoenix Fuel forward Calvin Abueva.   Sinabi nito na mula ng masuspendi siya sa PBA noong June 2019 ay inalok itong maglaro sa ibang liga gaya sa MPBL, liga sa Thailand at sa Japan.   Ang nasabing mga offier ay kaniyang tinanggihan dahil […]

  • Joe Calvin Devance Jr. nag-aaral mag-Filipino

    HINDI diehard fan ang aking ama ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa Philippine Basketball Association (PBA).   Sa kuwento niya sa akin kamakailan, noong huling bahagi ng dekada 80, mag-isa lang siyang maka-Toyota laban sa maka-Crispa lahat na mga pinsan niya nang maliit pa siya sa panahon ng Redmanizers-Super Corollas rivalry sa professional […]

  • Libreng sakay sa MRT3

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) simula March 28 hanggang April 30 dahil tapos na ang ginawang rehabilitation ng buong MRT3.     Nagkaroon ng inagurasyon noong nakaraang Martes ang rehabilitated na MRT 3 matapos ang nakalipas na dalawang (2) […]