Joe Calvin Devance Jr. nag-aaral mag-Filipino
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI diehard fan ang aking ama ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa Philippine Basketball Association (PBA).
Sa kuwento niya sa akin kamakailan, noong huling bahagi ng dekada 80, mag-isa lang siyang maka-Toyota laban sa maka-Crispa lahat na mga pinsan niya nang maliit pa siya sa panahon ng Redmanizers-Super Corollas rivalry sa professional cage league.
Nang mag-disband ang dalawang team, nawalan na ng favorite team sa unang play-for-pay-hoop sa Asia ang aking tatay (Ramil Distrito Cruz).
Kaya nang mag-working student siya sa Manuel L. Quezon University sa Quiapo, mag-correspondent na sa Balita, at magsimulang mag-cover bilang reliever ni Flor Zaldy Perez sa Balita noong Mayo 1988, wala aniya siyang kinampihang team sa PBA.
Naging topic ko lang po ito ngayon dahil sa paghanga ng OD kay Joe Calvin Devance Jr. ng Ginebra dahil sa pag-aaral niya ng ating pambansang wika (Filipino o Tagalog) sa kasagsagan ng community quarantine ditto sa habang may COVID-19.
Mabibilang sa daliri ang hakbang na ito ng 38-anyos, may 6-7 taas na Fil-Am forward ng crowd favourite team.
Ang alam kong konektado sa PBA na talagang nag-aral ding mag-Tagalog, ayon sa aking papa ay si Meralco Bolts coach Norman Black.
Ginawa ito ng 1989 PBA Grand Slam winner nang siya pa ang nagmamando sa Pop Co0la 800s ng RFM Corp. franchise noong 1997-99 sa paggabay ni team manager Elmer Yanga sa opisina ng kompanya sa Manda;uyong.
Ayon sa papa ko, kapag off-season ang PBA noon, 5-10 minutes niyang nakakausap sa landline telephone si coach Norman sa bahay niya. Ang misis niyang nanay ni dating PBA player Christopher Tan ang sumasagot sa telepono bago mag-uusap ng Tagalog ang ama ko’t si Black.
Kaya saludo sa iyo ang OD Joe. Mabuhay ka!
***
Kung gusto po ninyong mag-reaksiyon o may nais po kayong itanong, mag-email lang po kayo sa akin sa jeffersonogriman@gmail.com.
Ipanalangin po nating lahat na matapos na ang pandemya. Ingat po tayong lahat bawat araw, panatilihin po nating malakas ang ating pangangatawan at mabuti ang kalusugan.
Hanggang bukas po mga ka-PEOPLE’S Balita.
God bless us all! (REC)
-
Kontrabida ni Darna, ‘di kasama sa ni-reveal na cast: JULIA, bagay raw gumanap na Valentina at puwede rin sina HEAVEN at AJ
IPINAKILALA na ang cast ng Darna TV series na pagbibidahan ni Jane de Leon at ididirek ng master director na si Chito S. Rono. Pero wala pang announcement ang production kung sino ang gaganap na Valentina, ang babaeng ahas na kontrabida ni Darna. Bakit kaya wala pa silang napipiling artista for […]
-
ARJO, ire-revive ang character ni AGA sa international thriller series na ‘The Rebirth of the Cattleya Killer’
GUMAWA na naman ng ingay ang Asia’s Best Actor na si Arjo Atayde nang ilabas ang teaser ng newest project na may tag na ‘Rebirth of the Truth’ na ipo-produce ng ABS-CBN International Production & Co-Production. In-announce naman sa TV Patrol noong Martes nang gabi na sa naturang serye na intended for international […]
-
MVP pinuri ang Gilas; sinuportahan si Chot
PINURI ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan ang panalo ng Gilas Pilipinas sa bisitang Saudi Arabia sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers kamakalawa ng gabi. “Nice game tonight, Gilas. Thank you,” wika ni Pangilinan sa 84-46 paglampaso ng Nationals sa mga Saudis. Kumolekta […]