Bawat Filipino may pagkakautang daw na P106,000 dahil sa P11.6-T na utang ng gobyerno
- Published on October 9, 2021
- by @peoplesbalita
Tinukoy ngayon ng economic think tank na IBON Foundation Inc. na bawat isang Pinoy ay may utang na P106,000 ito ay dahil naman sa paglobo pa ng pagkakautang ng gobynero a umaabot na sa record-high na P11.642 trillion.
ayon kay IBON Foundation executive director Jose Enrique “Sonny” Africa kung ang naturang halaga na P11.642-trillion at paghahati hatiin sa bawat 109 million population, nangangahulugan daw na ang kada Filipino ay meron ng pagkakautang ng mahigit sa 106,000.
Sa pagtaya pa ng IBON foundation lumalabas daw na sa bawat pamilya ay aabutin ng halos kalahating milyong piso ang pagkakautang.
Aminado naman si Africa na hindi naman masama ang pangungutang ng gobyerno upang isalba ang ekonomiya basta ang balik nito ay may revenues para sa huli ay mabayaran din ang mga obligasyon.
Una nang inilabas ng national government ang running debt recrod as of end-August 2021 na mas mataas pa sa P32.05 billion mula sa dating P11.61-trillion level noong buwan ng Hulyo.
Sinasabing ang paglobo ng pagkakautang ng Pilipinas ay upang pondohan ang ipinapatupad nitong mga COVID response.
-
DOH, nakapagtala ng 16 pang kaso ng highly transmissible Omicron subvariants
NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng 16 pang kaso ng highly transmissible omicron subvariants na BA.5 at BA.2.12.1. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bilang ng mga bagong impeksyon ay nagpataas sa kabuuang kaso ng BA.5 at BA.2.12.1 sa buong bansa sa 11 at 39. Anim pang kaso ng BA.5 ang […]
-
Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee
Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna. Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance […]
-
PAOLO, nagpapasalamat sa GMA na napiling ex-bf ni HEART at muling nakaganap ng mabait na role sa serye
IPINALABAS ng GMA Network ang “Love Together, Hope Together,” ang theme ng kanilang 2021 Christmas Station ID. Napansin agad ng mga netizens na hindi na umabot at hindi na nakasama ang new Kapuso actor na si John Lloyd Cruz, pero nakasama na sina Bea Alonzo, Richard Yap, Pokwang, Beauty Gonzalez, ng halos lahat […]