Bayang karerista nabanas
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
MASAGWA ang pag-umpisa ng karera ng mga kabayo nitong Setyembre 6 sa Metro Manila Turf Club sa Malvar-Tanauan City, Batangas.
Naging problema ang tayaan, atrasado pagtakbo ng unang karera na sa halip alas-12:00 nang tanghali pasado ala-1:00 nang hapon na bago napasibat ang mga pangarera.
“Masyado kasing minadali, inumpisahan nila ang karera pero ‘yung tayaan hindi inayos, ‘di tuloy nila mapatakbo ang Race 1 kasi maliit pa ang sales,” galit na namutawi sa taga-Tondo, Maynila na kareristang si Mansuelo Payatas.
“Mga hindi nag-iisip. Sana habang nagre-request sila na buksan ang karera ay inasikaso na nila ang mga kailangan kagaya ng tayaan,” asar na post ni AR Jose sa Karera Facebook page.
Kahit pinahintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na buksan ang karerahan, bawal pa rin ang mga Off-Track Betting stations.
Tinatawagan ng OD ang mga kinauukulan, katulad ng Philippine Racing Commission (Philracom) at host racing club na maayos ang mga suliranin sa pagpasok sa ikalawang linggo ng bukas ng horseracing.
Kawawa naman ang mga Bayang karerista, lalo na ang mga dumayo pa mula sa Metro Manila.
Inaasahan ko po pong makakarating sa mga awtoridad ang hinaing at agad ding maaksyunan ang mga problema. (REC)
-
Qatar football team hindi ipapahiya ang bansa sa hosting nila ng FIFA World Cup
KABILANG sa apat na koponan ng Group A ng FIFA World Cup 2022 ang host country na Qatar. Sa kasaysayan kasi ng FIFA ay ito ang unang pagkakataon na maging host ang isang Arab nation. Noong Disyembre 2010 pa ng ianunsiyo ng FIFA ang hosting ng Qatar. Noong 2011 […]
-
Netizens, super-react sa poster ng GL series nila: LOVI at JANINE, first time magsasama at kaabang-abang ang tagisan sa pag-arte
SA IG post ni Lovi Poe last June 25, ibinahagi rin niya ang official poster ng ‘Sleep With Me’, at may caption na, “Are you ready to sleep with Luna and Harry?” Ito ang first lesbian series ni Lovi na kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez. Post naman ng aktres […]
-
Bilang parangal kay Ka Blas, Bulacan, nagsagawa ng job fair at libreng medical mission para sa mga Bulakenyo
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pagpupugay sa Ika-96 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng Job Fair (Local and Overseas Employment) at Department of Migrant Workers-PGB Medical Mission sa pakikipagtulungan ng Damayan Sa Barangay […]