• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Bayanihan 3’, hinahangad na sertipikahan ni PRRD bilang ‘urgent’

Umaasa si Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, na sesertipikahan ni Pangulong Duterte bilang ‘urgent’ ang panukalang P420-bilyon Bayanihan 3, na nihain nilang dalawa ni Speaker Lord Allan Velasco, upang pasiglahin ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa pandemyang dulot ng COVID-19.

 

 

Kapag naisabatas, ang House Bill 8628 o “Bayanihan to Arise as One Act ” ay magiging ikatlong yugto ng pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19, at ang mapangwasak na epekto nito sa ekonomiya.

 

 

“Ika nga, third time is a charm, at kung pwede po sana ma-certify na urgent ng Pangulo ang panukalang ito para mas maige po,” ani Quimbo sa lingguhang pulong balitaan ng “Ugnayan sa Batasan.”

 

 

Idinagdag niya na: “If there is one indisputable thing, that is the economy has turned out worse than what we had all expected and even the President agrees with this. Kaya ang panawagan namin sa Executive ay pagtulungan natin ito para makabangon ang ating mga kababayan.”

 

 

Sinabi ni Quimbo na kailangan ng pamahalaan na magdagdag ng sapat na halaga sa ekonomiya, upang maiwasan ang tinatawag niyang “stagflation” o ang kombinasyon ng stagnant economy at high inflation.

 

 

Binanggit din niya na kumpara sa ibang bansa sa Asya, ang Pilipinas ay maliit lamang ang ginasta laban sa gross domestic product o GDP noong 2020.

 

 

“Si Pangulong Duterte na po mismo ang nagsabi na masama ang sitwasyon ng ekonomiya,” ani Quimbo, na tumutukoy sa pag-urong ng ekonomiya sa 9.5 porsyento noong 2020, na pinakamasahol na karanasan sa kasaysayan ng Pilipinas, matapos ang pangalawang digmaang pandaigdig.

 

 

“One of the main drivers of the decline is the decrease of 7.9 percent in household consumption. Meanwhile, government spending only contributed to 1.3 percent to GDP growth last year. Kung kelan bagsak ang ekonomiya at inaasahan ang gobyerno na mag pump-priming, napakaliit ng growth in government spending.”

 

 

Layon ng HB 8626 na maglaan ng pondo na nagkakahalaga ng P420-bilyon para sa implementasyon ng mga kinakailangang tugon sa COVID-19, kabilang na ang pakikialam sa pag-ahon sa inklusibong ekonomiya at sama-samang paglago.

 

 

Iminumungkahi sa panukala ang paglalaan ng P108 bilyon para sa karagdagang social amelioration sa mga labis na naapektuhang kabahayan; P100 bilyon para sa pagpapatatag ng kakayahan sa negosyo ng mga sektor na labis na naapektuhan; P52 bilyon para sa subsidiya sa sahod; P70 bilyon para sa pagpapalakas ng kakayahan ng sektor ng agrikultura; P30 bilyon para sa internet allowance ng mga mag-aaral at mga guro; P30 bilyon para sa ayuda sa mga nawalan ng trabaho; P25 bilyon para sa mga gamot at bakuna sa COVID-19; at P5 bilyon para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyo.

 

 

Ang mga mungkahing ito ay hindi kasama sa National Expenditure Program, na isinumite ng Malacañang para matulungan ang Kongreso sa pagrepaso, deliberasyon at pagpasa sa pambansang badyet para sa 2021.

 

 

“Marami tayong natutunan sa Bayanihan 1 at 2, ang sabi ni Speaker Velasco, let’s identify mechanisms for assistance that are simple and can be effectively implemented,” dagdag pa ni Quimbo.

 

 

“Sa Bayanihan 3 po sabi ni Speaker Velasco, wala nang lista o listahan. Lahat kasama,” ani Quimbo hinggil sa usapin ng ayudang pinansyal sa panukala.

 

Sinabi ni Quimbo na ang pondong inilaan sa Bayanihan 2 na P165-bilyon at ang 2021 pambansang pondo sa P250-bilyon para sa pagtugon sa COVID ay “malinaw na kulang lalo na sa lugmok nating ekonomiya noong 2020, na tinatayang nagkakahalaga ng 3.2-trilyon.”

 

 

Sinabi rin niya na walang dapat na maging problema sa pamahalaan sa paglalaan ng P420-bilyon, dahil tinataya niyang may balanse ng pondo ang bansa na P1.6-trilyon noong Nobyembre 2020.

 

 

“Ito po ay datos na galing mismo sa ating research office dito sa Kongreso, ‘yung CPBRD,” ayon sa mambabatas, na tumutukoy sa Congressional Policy and Budget Research Department.” Bukod pa rito, ang natitirang inutang ng bansa ay nasa P2.82-trilyon pa, kaya’t may sapat tayong makukunan ng kinakailangang pondo para sa Bayanihan 3.

 

 

Kasabay nito, hinikayat ni Quimbo ang mga kritiko na tignang mabuti ang Bayanihan 3 at kung papaano nito mapapahinto ang pagbulusok ng ekonomiya ng bansa, dala ng hindi pagdaloy ng ekonomiya at pagtaas ng inflation.

 

 

“Together with the significant decline in economic output, we have seen an increasing inflation rate, recorded at 4.2 percent in January,” ani Quimbo. “Kapag magpatuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain at maapektuhan ang ibang sektor, baka magkaroon ng ‘stagflation’.”

 

 

So, yes our economy is sinking, the inflation rate is increasing, while economic output is decreasing. Mayroon naman pong solusyon – ang Bayanihan 3,” dagdag pa niya.

 

 

Sa pinakahuling bilang, 173 miyembro ng supermajority, minority at independent blocs sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nagpahayag na ng kanilang suporta sa HB 8628. (ARA ROMERO)

Other News
  • 18-anyos na factory worker, timbog sa damo sa Malabon

    SWAK sa loob ng selda ang 18-anyos na factory worker na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos mabitag ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si Dave Victor Talastas, (Pusher/Newly Identified) ng […]

  • Ads March 20, 2021

  • TRAILER FOR “MADAME WEB,” THE FIRST FEMALE-LED SUPERHERO MOVIE IN SONY’S SPIDER-MAN UNIVERSE, RELEASED

    HER web connects them all.  Dakota Johnson is the titular superhero in Madame Web, the first superhero movie with a female lead in Sony’s Spider-Man Universe.  Also starring Sydney Sweeney, Emma Roberts and Adam Scott, Madame Web is coming soon exclusively to cinemas. Watch the new trailer: https://youtu.be/9PtNR_Oukdg About Madame Web “Meanwhile, in another universe…” In a switch from the […]