Bayanihan 3 ni Speaker Velasco, malabong iendorso ni PDu30
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
NGAYON pa lamang ay nagpahiwatig na ang Malakanyang na malabong iendorso ni Pangulong Rodrigo Roa Duerte ang pagpapasa ng P420-billion stimulus package na ipinanukala ni House Speaker Lord Allan Velasco na tinawag bilang Bayanihan 3.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kasalukuyan, ang P4.5-trillion 2021 National Budget at ang P165-billion Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) law ay sapat na para itustos ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Well, we appreciate the policy initiatives of Speaker Velasco. Pero ang consistent position po natin diyan ay mayroon po tayong sapat na fiscal stimulus ngayon sa ating annual budget at ipinapatupad pa po natin iyong Bayanihan 2,” ayon kay Sec. Roque.
“Pero siyempre po, we appreciate the filing of Bayanihan 3 dahil kung kulang po talaga, then we will of course resort to Bayanihan 3. Sa ngayon po, tingnan po muna natin kung anong mangyayari sa pagpapatupad ng 2021 budget at iyong pagpapatupad pa rin ng Bayanihan 2 na extended po hanggang taon na ito,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Sa ulat, nagpahayag ng suporta ang 115 kongresista ang para sa isinusulong na Bayanihan 3 na may P420 Billion na pondo.
Si House Speaker Lord Allan Velasco kasama si Marikina Rep. Stella Quimbo ang main authors nito sa ilalim ng House Bill 8682 o ang Bayanihan to Arise As One Act.
Pinakamalaking bahagi ng Bayanihan 3 ay mapupunta sa panibagong round ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Progam o SAP Cash aid ng DSWD na may P108-B budget.
Ayon kay Speaker Velasco, hindi raw sumapat ang ayudang dala ng Bayanihan 1 at 2 dahilan kaya isinusulong nila sa Kamara ang bagong Bayanihan bill.
Hindi si Velasco ang naunang naghain ng Bayanihan 3 bill sa Kongreso.
November 2020 nang ihain ni Congresswoman Quimbo ang bersyon niya ng panukala, at nakaraang taon din ng ihain nina House Majority Leader Martin Romualdez, Ways and Means Chair Joey Salceda at AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin ang bersyon nila ng Bayanihan 3.
Pero ayon sa House Speaker, dahil sa matinding epekto ng pandemya sa ekonomiya ay dapat matugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga apektadong sektor.
Ani Velasco, “Government must therefore take the lead to promote business and consumer confidence and social welfare. Increased, well-targeted spending is a vital step to achieving these goals.”
Inilatag naman ni Quimbo kung saan maaring kunin ang pondo sa Bayanihan 3.
Panawagan naman ng mambabatas na sana’y suportahan ng Palasyo ang Bayanihan 3 at sertipikahan itong urgent ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)
-
4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU
KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 […]
-
LTFRB pinaigting ang panghuhuli ng mga aroganteng taxi drivers
MAS PINAIGTING pa ang panghuhuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga aroganteng taxi drivers sa mga terminals at malls na ayaw magsakay ng mga pasahero ngayon kapaskuhan. May mahigit na 200 na mga aroganteng drivers ang nahuli kamakailan lamang dahil sa patuloy nilang masigasig na panghuhuli. May 214 […]
-
May bagong series sa YT channel: LIZA, on-hold pa ang Hollywood plans dahil sa strike
MAY bagong serye na susubaybayan kay Liza Soberano. Hindi nga lang ito sa telebisyon mapapanood kung hindi sa kanyang YouTube channel. Ang series niya ay ‘Liza In Korea.’ It’s a 15-episode series na every Wednesday at 8 pm ang drop simula noong September 13. Nagawa ni Liza na i-explore ang Korea. Proud siya na maipakita […]