• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bayanihan 3 ni Speaker Velasco, malabong iendorso ni PDu30

NGAYON pa lamang ay nagpahiwatig na ang Malakanyang na malabong iendorso ni Pangulong Rodrigo Roa Duerte ang pagpapasa ng P420-billion stimulus package na ipinanukala ni House Speaker Lord Allan Velasco na tinawag bilang Bayanihan 3.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kasalukuyan, ang P4.5-trillion 2021 National Budget at ang P165-billion Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) law ay sapat na para itustos ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

“Well, we appreciate the policy initiatives of Speaker Velasco. Pero ang consistent position po natin diyan ay mayroon po tayong sapat na fiscal stimulus ngayon sa ating annual budget at ipinapatupad pa po natin iyong Bayanihan 2,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero siyempre po, we appreciate the filing of Bayanihan 3 dahil kung kulang po talaga, then we will of course resort to Bayanihan 3. Sa ngayon po, tingnan po muna natin kung anong mangyayari sa pagpapatupad ng 2021 budget at iyong pagpapatupad pa rin ng Bayanihan 2 na extended po hanggang taon na ito,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, nagpahayag ng suporta ang 115 kongresista ang para sa isinusulong na Bayanihan 3 na may P420 Billion na pondo.

 

Si House Speaker Lord Allan Velasco kasama si Marikina Rep. Stella Quimbo ang main authors nito sa ilalim ng House Bill 8682 o ang Bayanihan to Arise As One Act.

 

Pinakamalaking bahagi ng Bayanihan 3 ay mapupunta sa panibagong round ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Progam o SAP Cash aid ng DSWD na may P108-B budget.

 

Ayon kay Speaker Velasco, hindi raw sumapat ang ayudang dala ng Bayanihan 1 at 2 dahilan kaya isinusulong  nila sa Kamara ang bagong Bayanihan bill.

 

Hindi si Velasco ang naunang naghain ng Bayanihan 3 bill sa Kongreso.

 

November 2020 nang ihain ni Congresswoman Quimbo ang bersyon niya ng panukala, at nakaraang taon din ng ihain nina House Majority Leader Martin Romualdez, Ways and Means Chair Joey Salceda at AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin ang bersyon nila ng Bayanihan 3.

 

Pero ayon sa House Speaker, dahil sa matinding epekto ng pandemya sa ekonomiya ay dapat matugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga apektadong sektor.

 

Ani Velasco,  “Government must therefore take the lead to promote business and consumer confidence and social welfare. Increased, well-targeted spending is a vital step to achieving these goals.”

 

Inilatag naman ni Quimbo kung saan maaring kunin ang pondo sa Bayanihan 3.

 

Panawagan naman ng mambabatas na sana’y suportahan ng Palasyo ang Bayanihan 3 at sertipikahan itong urgent ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di dapat ginagawa yun lalo na babaing minamahal… Sa pananakit ni KIT kay ANA, nahihiya si Sec. ROQUE bilang lalaki

    MAGAGANAP sa Biyernes ang launching ni Bea Alonzo bilang bagong Brand Ambassador ng Beautederm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.     Ito ang bagong dagdag sa mga endorsements ni Bea. Two of her new endorsements are Century Tuna at Kopiko Blanca.     Laging bongga ang launching ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan. Ano naman […]

  • Kai kumpirmado na sa FIBA World Cup Qualifiers

    DESIDIDO  ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makapagbigay ng magandang laban sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na idaraos sa Agosto 25 at 29.     Kinumpirma ng SBP na madadagdagan ang puwersa ng Gilas Pilipinas dahil maglalaro si 7-foot-3 Kai Sotto para sa fourth window ng qualifiers.     “The Samahang Basketbol ng […]

  • 2-time world champion at Olympic flag bearer Alex Pullin, patay sa beach sa Australia

    Namatay habang nasa spearfishing sa Australia ang two-time world champion snowboarder na si Alex Pullin.   Ayon sa mga otoridad, nakita na lamang ang katawan ng 32-anyos na si Pullin sa beach ng Queensland’s Gold Coast na wala ng buhay.   Si Pullin na tinatawag ding si “Chumpy” ay nagsilbing flagbearer ng national team ng […]