• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bayanihan, Bakunahan muling ikakasa sa Pebrero 10 at 11

MULING aarangkada ang ikatlong National Vaccination day sa bansa.

 

 

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na sa darating na sa darating na Pebrero 10 at 11 ay muling aarangkada ang Bayanihan, Bakunahan.

 

 

Ani Usec Cabotaje, maliban sa mahalagang mabigyan ng proteksiyon ang mga hindi pa bakunado para sa ikatlong Pambansang Bakunahan ay prayoridad din na mapagkalooban ang mga dapat na makatanggap ng booster shot.

 

 

Aniya, target din nila na maitaas ang vaccination rate sa hanay ng nasa A2 at A3 group gayong nananatiling mababa pa rin ang porsiyento ng mga nakatanggap na ng bakuna sa nabanggit na kategorya.

 

 

Pumalo lamang aniya kasi sa 60 % ang mga senior at may commorbidities na nabakunahan na at kailangan itong mapataas lalo’t sila ang tinatawag na vulnerable sector.  (Daris Jose)

Other News
  • Tulak timbog sa buy bust sa Valenzuela, P238K shabu, nasamsam

    MAHIGIT P.2 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Jerome Luangco, 42 ng Bonbon Ville Brgy., Ugong, ng lungsod. […]

  • Ads January 10, 2020

  • Sec. Duque, hindi pa dapat maging kampante

    HINDI pa rin dapat maging kampante si Health Secretary Francisco Duque III na hindi siya makakasama sa  makakasuhan kaugnay sa iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, panimula pa lamang naman ang ginagawang imbestigasyon ng task force PhilHealth kaya’t malaki ang posibilidad na may susunod na irerekomenda na makakasuhan […]