BBM binati na nina Biden, Xi
- Published on May 14, 2022
- by @peoplesbalita
NAGKAUSAP at binati na si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos at US President Joe Biden.
Kinumpirma ng White House na binati si Marcos ni Biden matapos ang tagumpay sa nakaraang halalan.
Nakasaad din sa statement na binanggit ni Biden ang kahalagahan nang pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas at Amerika habang nagtutulungan sa maraming isyu katulad nang paglaban sa COVID-19, problema sa klima, pagpapalakas ng ekonomiya at pagrespeto sa karapatang pantao.
“President Joseph R. Biden, Jr. spoke today with President-elect Ferdinand Marcos Jr. of the Philippines to congratulate him on his election. President Biden underscored that he looks forward to working with the President-elect to continue strengthening the U.S.-Philippine Alliance, while expanding bilateral cooperation on a wide range of issues, including the fight against COVID-19, addressing the climate crisis, promoting broad-based economic growth, and respect for human right,” anang White House.
Ikinagalak naman ni Marcos ang pagkilala ng US sa kanyang tagumpay.
Nauna rito, kinumpirma ni Atty. Vic Rodriguez ang pagtawag ni Biden kay Marcos.
Sinabi rin ni Rodriguez na magiging bukas para sa lahat ang foreign policy ng susunod na administrasyon.
“We will not be exclusive to anyone. The interest of the Filipino people and the national interest comes first and it will never be compromised especially our territorial integrity,” ani Rodriguez.
Samantala , binati na rin ni Chinese Pres. Xi Jinping si Marcos .
Ayon sa Embahada ng Chinese sa Manila, kinilala ni Xi ang pagiging mag-partner ng Pinas at China.
“I am honored to forward the congratulatory message from H.E. President Xi Jinping of the People’s Republic of China on your elections as president of the Republic of the Philippines,” ayon sa ambassador.
“Again, on behalf of the Chinese Embassy in the Philippines and in my own name, I would like to convey my heartfelt congratulations on Your Excellency’s election as the 17th President of the Philippines,” saad ng liham.
Ayon pa sa opisyal ng China, patuloy ang kanilang maayos na pakikipag-ugnayan sa Pilipinas para sa mas maayos na relasyon. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas nag start ng mag practice
Walang sinasayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na simulan ang ensayo nila kahit wala pang mga pangunahing manlalaro nila. Ang nasabing ensayo ay bilang paghahanda ng ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa bansa. Ayon kay Reyes na ginamit na lamang nito […]
-
TOP TEN CITIES SA NCR KINILALA NG ISANG NGO
BINIGYANG pagkilala ng isang non governmental organization ang top ten cities sa National Capital Region pagdating sa usapin ng masinop na pananalapi. Ayon kay Jose Esgaña, tagapangulo ng grupong CPAS-LEADGROUP Inc., napili ang sampung nangungunang lungsod batay sa pagsusuri na nakabase naman sa mga datos na nakalathala sa website ng Commission on Audit. Nangunguna ang […]
-
One dose vaccine, bakunang gagamitin sa mga Pinoy seafarers- NTF against COVID 19
SINASABING one shot vaccine ang rekomendado nina vaccine czar secretary Carlito Galvez jr na iturok para sa mga Pinoy seafarers. Sinabi n Galvez, kanila itong naikunsidera lalo na’t biglaan ang pagsampa ng mga ito sa barko. Aniya, nakita nilang pinaka-convenient para sa mga seafarers ay ang Johnson & Johnson. Maliban dito ay […]